Mamamayan, hinimok ng opisyal ng Simbahan na mag-plant-based diet

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 470 total reads

Muling isinusulong ng Radio Veritas ang Kilusang Plant-based Diet bilang pagtataguyod sa pagkakaroon ng malusog at malakas na pangangatawan.

Ito’y matapos na maitala ng Pilipinas ang pinakamataas na bilang ng mga nasawi nitong 2021 dulot ng iba’t ibang karamdaman kabilang na ang coronavirus disease.

Ayon kay Father Anton CT Pascual, pangulo ng himpilan, isa sa mga tinitingnang sanhi ng pagkakaroon ng sakit ng isang tao ay ang labis na pagkain ng mga karne ng hayop tulad na lamang ng baboy.

“Alam naman nating 84-percent ng kinakain natin ang siyang sanhi ng sakit natin. Anong pagkain ito? Ito nga po’y mga pagkain na may mukha, mga animal-based na pagkain,” pahayag ni Fr. Pascual sa panayam ng Veritas Patrol.

Kaya naman hinihikayat ng pari ang bawat mananampalataya na sikaping kumain ng mga pagkaing walang mukha tulad ng mga prutas at gulay na hindi lamang magdudulot ng kalakasan sa katawan, kundi pampahaba rin ng buhay.

“Kumain ng mga pagkaing walang mukha tulad ng gulay at prutas. Mga nuts, grains, legumes, mga kamote, at iba pang lamang lupa na mga tanim natin. ‘Yan po ang ating mga kinakain sapagkat sila po ay nagpapalakas. Oxygenated ang ating mga plants at nagpapagaling at nagpapahaba ng buhay,” ayon sa pari.

Payo pa ni Fr. Pascual na nawa’y pangalagaan at igalang ng bawat isa ang sariling pangangatawan dahil ito’y itinuturing ding templo ng espiritu santo.

“Sabi nga sa 1 Corinthians:6, “Alagaan natin ang ating katawan sapagkat nasa atin ang Panginoon”” saad ni Fr. Pascual.

Batay sa tala ng Commission on Population and Development (PopCom) nangungunang sanhi ng pagkamatay ng Filipino ay ang ischemic heart disease na aabot sa 110,332 ang nasawi mula Enero hanggang Oktubre 2021.

Pumapangalawa naman rito ang COVID-19 na umabot sa 75,285 ang nasawi noong nakaraang taon, mas mataas kumpara noong Marso hanggang Disyembre 2020 na umabot lamang sa 30,140.

Kabilang pa sa mga dahilan ng pagkamatay mula 2020 hanggang 2021 ay ang cerebrovascular disease, hypertension, at diabetes mellitus.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 14,454 total reads

 14,454 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 113,403 total reads

 113,403 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 157,673 total reads

 157,673 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 180,784 total reads

 180,784 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 255,093 total reads

 255,093 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 144,546 total reads

 144,546 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top