Ipagdasal ang kapayapaan sa Ukraine, apela ng Santo Papa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 535 total views

Hinimok ng Kanyang Kabanalan Francisco ang mananampalataya sa buong mundo na patuloy ipanalangin ang kapayapaan sa Ukraine.

Sa mensahe ng Santo Papa umaasa itong sa gabay ng Panginoon ay manaig ang pagkakaisa sa pamamagitan ng pag-uusap ng magkabilang panig para sa kapakinabangan ng mga residenteng maapektuhan ng kaguluhan.

“Let us continue to implore the God of peace that tensions and threats of war be overcome through serious dialogue, and that the “Normandy Format” talks may also contribute to this. Let us not forget: war is madness!” bahagi ng mensahe ni Pope Francis.

Muling nagkaroon ng tensyon ang Ukraine at Russia makaraang magbabala si US President Joe Biden at iba pang European leaders noong Disyembre hinggil sa mahigit 100-libong military personel ng Russia malapit sa Ukrainian border.

Pangamba ng mga lider ang pananakop ng Russia sa Ukraine na maaring makapinsala sa maraming inosenteng mamamayan kung sisiklab ang kaguluhan sa lugar.

Nagsimula ang tensyon ng dalawang bansa na pawang dating Soviet states noong 2013 dahil; sa landmark political at trade deal sa European Union kung sinuspende ni dating President, Viktor Yanukovych ang dayalogo.

Sa datos namang ng United Nations nasa tatlong libong mga sibilyan ang nasawi sa eastern Ukraine dahil sa karahasan mula 2014.

Noong January 26, 2022 pinangunahan ni Pope Francis ang pananalangin para sa kapayapaan ng Ukraine at umaasang isulong ng bawat lider ng mga bansang sangkot ang pakikipagdayalogo upang maiwasang lumalala ang tensyon na magdudulot ng kapahamakan sa mamamayan.

Nanawagan din ang santo papa sa international community na mamagitan at tulungan ang mga bansang umiiral ang tensyon at karahasan para sa kapakinabangan ng lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 16,813 total views

 16,813 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 190,747 total views

 190,747 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 168,380 total views

 168,380 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 232,012 total views

 232,012 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 250,610 total views

 250,610 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top