Makakalikasang pangangampanya, hamon ng Ecowaste Coalition sa mga kandidato

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 844 total reads

Hinamon ng EcoWaste Coalition ang mga kandidato para sa 2022 National and Local Elections na itaguyod ang ligtas, patas, at makakalikasang pangangampanya.

Ayon kay EcoWaste Zero Waste campaigner Jove Benosa, marapat lamang na sundin ng mga kandidato ngayong halalan ang iba’t ibang mga panuntunan sa pangangampanya para sa kapakanan ng mamamayan at kalikasan.

“We challenge all presidential, vice presidential, senatorial and party list candidates to comply with essential health protocols as they garner public support to avoid the spread of COVID-19, as well as follow fair and eco-friendly election rules to prevent campaign malpractices and environmental degradation,” pahayag ni Benosa.

Iginiit ni Benosa ang muling panawagan upang isaalang-alang ang kalusugan ng publiko at kaligtasan ng kalikasan laban sa tuluyang pagkasira ngayong patuloy ang paglaganap ng krisis dulot ng COVID-19 pandemic sa lipunan.

Dagdag pa nito na kasabay ng pangangampanya sa iba’t ibang bahagi ng bansa, dapat na sundin ng bawat kandidato ang COMELEC Resolution 10730 na nagsasaad ng mga panuntunan hinggil sa pagsasagawa ng mga pampublikong pagtitipon tulad ng campaign rallies at miting de avance na maaaring pagmulan ng hawaan ng COVID-19.

Gayundin ang COMELEC Resolution 10732 na nagsasaad ng mga alituntunin sa pagtataguyod ng patas na halalan kaugnay ng Republic Act No. 9006 o ang Fair Election Act.

“We call on all candidates anew to put the protection of public health and the environment on center stage amid the pandemic as they do the rounds of cities and municipalities to woo voters. Please follow Comelec Resolutions 10730 and 10732 to the letter,” dagdag ni Benosa.

Samantala, pinaalala rin ng EcoWaste ang paggamit ng mga recyclable at environment-friendly materials na makakatulong upang mabawasan ang kalat sa kapaligiran, gayundin ang pagbabawal sa paglalagay ng mga campaign materials sa mga puno at halaman sa mga pampublikong lugar.

Magugunita noong Eleksyon 2016, umabot sa 187 truck ng basurang mga campaign materials ang nahakot ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Inihayag naman sa Laudato Si ng Kanyang Kabanalan Francisco na kinakailangang magkakasamang nagtutulungan ang pamahalaan at ang mamamayan para sa pangangalaga sa kalikasan.

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 2,000 total reads

 2,000 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 7,803 total reads

 7,803 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 45,548 total reads

 45,548 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 271,818 total reads

 271,818 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 165,284 total reads

 165,284 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 258,939 total reads

 258,939 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 150,519 total reads

 150,519 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top