Mga Diocese, hinimok ng CBCP na makibahagi sa World Day of the Sick

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 481 total reads

Inaanyayahan ng Health Care Ministry ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga arkidiyosesis, diyosesis, at mga prelatura sa bansa na makibahagi sa pagdiriwang ng ika-30 taon ng World Day of the Sick.

Ipagdiriwang ito sa February 11 kung saan ang tema ngayong taon ay ang “Be merciful, even as your Father is merciful” na hango sa ebanghelyo ni San Lukas kabanata anim, talata 36.

Sa pastoral letter ng CBCP-Episcopal Commission on Health Care (CBCP-ECHC), sinabi rito na ang ebanghelyo ni San Lukas ay ipinapaliwanag ang kahulugan ng ‘Pastoral Mercy’ at muling pagsasabuhay sa kwento ng mabuting Samaritano na nagpakita ng pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa lalo na sa mga maysakit at nangangailangan.

“…God is the ultimate source of mercy as it centers of care. The 2022 World Day of the Sick is a timely event to promote care as an act of God’s mercy,” pahayag ng CBCP-ECHC.

Nabanggit din sa liham ang ‘pastoral health care’ na isang mahalagang gampanin ng simbahan lalo na ngayong pandemya.

Ipinapaalala nito na ang pagkalinga sa mga maysakit at higit na nangangailangan ay isa sa mga pangunahing itinuro ng Panginoong Hesukristo.

“This is because it animates Jesus’ actions that take us closeness to Him, as we are nearness to the sick and needy,” ayon sa pahayag.

Samantala, hinimok din ng komisyon ang mga parokya at ospital na patuloy lamang na sundin ang minimum public health standards bilang pag-iingat sa hawaan ng COVID-19 habang nagsasagawa ng mga aktibidad at banal na pagdiriwang hinggil sa World Day of the Sick.

Taong 1992 nang itatag ni Saint John Paul II ang paggunita sa World Day of the Sick upang hikayatin ang mga mananampalataya, Catholic health institutions, at lipunan na maging aktibo sa pagkalinga at pag-aalay ng panalangin sa mga may karamdaman maging sa mga tagapag-alaga nito.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 3,629 total reads

 3,629 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 90,784 total reads

 90,784 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 128,157 total reads

 128,157 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 159,418 total reads

 159,418 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 232,045 total reads

 232,045 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 77,123 total reads

 77,123 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top