Ipadama ang kalinga sa mga may sakit —Bishop Mangalinao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 828 total views

Nakagagaling at nakagagaan ang pagkalinga ng mga magkakapatid sa pananampalataya.

Ito ang mensahe ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao, chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education kaugnay sa pagdiriwang ng 2022 World Day of the Sick.

Ayon sa Obispo, ipinapaalala nito ang kahalagahan ng pagiging magkakapatid sa pananampalataya na nakahandang tumugon sa mga higit na nangangailangan lalo na ang mga mayroong karamdaman.

Sinab ni Bishop Mangalinao na ang paglalaan ng isang araw bilang paggunita sa mga maysakit ay magandang pagkakataon upang ipadama ang pagkalinga ng isang pamilyang nakahandang umalalay sa anumang pagsubok ng buhay.

“Sa pag-alala natin sa mga maysakit, ating ipinapaalala na tayo ay iisang pamilyang nag-aalaga sa nangangailangan. Sabi nga, ang sakit ng kalingkingan ay ramdam ng buong katawan,” pahayag ni Bishop Mangalinao sa panayam ng Radio Veritas.

Dagdag pa ng Opisyal na maliban sa pag-aalay ng panalangin para sa espiritwal na kagalingan, sikapin din nawa ng bawat isa na makapagbigay ng tulong at donasyon na maaaring makabawas sa mga gastusin ng mga may karamdaman.

“Maaari po nating ibigay ang mga tulong nang diretso sa humihingi sa atin o kaya ay ibigay sa ating parokya na tumutugon sa pangangailangan ng mga maysakit,” ayon sa Obispo.

Iginiit naman ni Bishop Mangalinao na sa kabila ng iba’t ibang krisis sa lipunan, madali lamang itong malalampasan basta’t sama-samang ipadarama ang pagkalinga, pananalangin at pagmamahal sa isa’t isa, anuman ang pinagdaraanan.

Ipagdiriwang ang 30th World Day of the Sick bukas, February 11, kasabay ng dakilang kapistahan ng Mahal na Birhen ng Lourdes.

Samantala, inihayag ng Kanyang Kabanalan Francisco ang kanyang pananalangin para sa lubos na kagalingan ng mga may karamdaman, maging sa mga tagapangalaga nito upang magkaroon ng lakas na magampanan ang tungkulin ng pagkalinga.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 226,384 total views

 226,384 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 256,607 total views

 256,607 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 283,251 total views

 283,251 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 378,224 total views

 378,224 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 384,635 total views

 384,635 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top