Mining moratorium, ipapatupad ni Ka Leody

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,603 total reads

Layunin ni Presidential candidate Leodegario “Ka Leody” de Guzman na pigilan ang industriya ng pagmimina sa bansa kapag nanalo bilang pangulo sa nalalapit na Halalan 2022.

Sa isinagawang Catholic E-Forum sa Radio Veritas, sinabi ni de Guzman na dapat na muling ipatupad ang mining moratorium kung saan ipinagbabawal ang pagsasagawa ng pagmimina sa bansa.

Iminungkahi rin ng kandidato na bawiin at muling pag-aralan ang Mining Act of 1995 upang umangkop sa kasalukuyang kalagayan ng bansa at hinaharap na suliranin ng kalikasan.

“Ibalik natin ‘yung moratorium sa kagyat at ‘yung mga open-pit mining ipatigil natin ‘yan; at reviewhin talaga hanggang sa pagpapa-repeal nung Mining Act of 1995,” pahayag ni de Guzman.

Maliban sa pangambang maidudulot ng pagmimina sa likas na yaman ng bansa, bibigyang-pansin din ni de Guzman ang kalagayan ng mga katutubong lubos na apektado ng pinsalang idinudulot ng iba’t ibang proyekto para sa pag-unlad ng ekonomiya.

Sinabi ni de Gu8zman na sa kanyang pamahalaan, mas bibigyang boses ang mga katutubo at magpapatupad ng mga polisiya upang pagtibayin ang kanilang karapatan laban sa mga makapangyarihang kumpanya.

“Kailangang suportahan at kilalanin ‘yung kanilang integridad, ‘yung sarili nilang kultura at pagbuhay ng ekonomiya. Suportahan natin ‘yun at pagyabungin para proteksyonan ‘yung ating mga katutubo,” giit ni de Guzman.

Samantala, pabor din ang presidential candidate na suportahan ang pagsusulong para sa “renewable energy” upang magkaroon ng malinis na mapagkukunan ng enerhiya ang bansa sa halip na patuloy na mamuhunan sa coal-fired power plant.

Si de Guzman ang unang humarap sa one-on-one interview sa Catholic E-Forum na bahagi ng voters education campaign ng Radio Veritas at Archdiocese of Manila na ‘One Godly Vote’ bilang paghahanda sa nalalapit na 2022 national at local elections.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 120,411 total reads

 120,411 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 155,088 total reads

 155,088 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 177,338 total reads

 177,338 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 213,824 total reads

 213,824 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 224,595 total reads

 224,595 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 88,825 total reads

 88,825 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top