50% target para sa ENDO sa 2016, kayang abutin-DOLE

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 272 total views

Posibleng maabot na ng DOLE o Department of Labor and Employment ang target nila na mabawasan ang ENDO o End of Contract ng 50 porsiyento sa bansa ngayong 2016.

Sa panayam ng programang Veritas Pilipinas, ayon kay Labor secretary Silvestre Bello III, unti-unti ng nagre-regular ng kanilang mga kawani ang mga kumpanya na umaabot na ngayon sa 10,000.

Pahayag ng kalihim, may mga kumpanya naman na exempted sa pag-regular ng kawani gaya ng construction.

“May sumusunod naman kaya mukhang aabutin namin yung 50 percent na target bago matapos ang 2016, 50% reduction of incidence of endo and contractual, mukhang mawawala na ang endo, yung contractual may leeway pa kasi may exemption pa diyan,” pahayag ni Bello.

Kaugnay nito, nagpapalabas na ang DOLE ng cease and desist order laban sa mga kumpanyang nagpapatupad pa rin ng ENDO dahil ito ay labag sa batas ng paggawa.

“Sa ENDO, nag-iisyu na kami ng cease and desist order dun sa mga kumpanyang sumusuway sa batas natin tungkol sa ENDO at sa contractualization, maliwanag kasi sa ating labor code at sa saligang batas na ang ating mga manggagawa ay dapat may security of tenure kaya ang Endo na yan bawal na bawal yan,” ayon kay Bello sa panayam ng Radyo Veritas.

Samantala, inatasan ng DOLE ang mga service provider na huwag ng magbigay ng mga tao sa mga malalaking kumpanya kung walang planong gawing regular ang kanilang mga bagong empleyado.

“Inaatasan namin ang mga service providers halimbawa sa isang mall na ayaw sumunod, sinasabihan namin na wag na kayo magde-deploy sa kanila ng workers so wala ng mag-dedeploy sa kanila, tanggal kayo ng tanggal tas binabalik ninyo so gagawin na namin silang regular yan ang marching order ko mula kay presidente Duterte,” ayon pa kay Bello.

Batay sa ulat ng TUCP o Trade Union Congress of the Philippines, nasa halos 35 milyong manggagawang kontraktwal mula sa mahigit 67.1 milyong kawani nitong 2016 sa bansa.

Una ng nanawagan ang Kanyang Kabanalan Francisco sa world leaders na wakasan na ang umiiral na pang – aalipin sa mga maliliit na manggagawang kumikilos sa ikauunlad ng isang bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 23,632 total views

 23,632 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 73,646 total views

 73,646 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 69,515 total views

 69,515 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 105,308 total views

 105,308 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 112,613 total views

 112,613 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 82,401 total views

 82,401 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 271,823 total views

 271,823 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top