Pamumuhunan ng Pilipinas sa “nuclear energy”, tinutulan ng makakalikasang grupo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 774 total reads

Tinutulan ng mga makakalikasang grupo ang muling pagbuhay sa usapin ng nuclear energy upang pagkunan ng enerhiya ng bansa.

Kasunod ito ng paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Executive Order No. 164 o ang pagpapatibay sa tungkulin ng bansa para sa nuclear energy program.

Ayon kay Green Thumb Coalition Convenor Jaybee Garganera, mariing tinututulan ng koalisyon ang pagnanais ng pamahalaan na mamuhunan para sa nuclear energy dahil maliban sa ito ang pinakamahal na mapagkukunan ng kuryente ay magdudulot din ito ng panganib sa mga tao.

“Ang Green Thumb Coalition ay nakikiisa sa pahayag at paninindigan nung ilang miyembro tungkol sa usapin nung nuclear power plant,” pahayag ni Garganera.

Naunang nagpahayag ng pagtutol ang Greenpeace Philippines at nananawagan sa pamahalaan na bawiin ang EO 164.

Sinabi ni Greenpeace campaigner Khevin Yu na ang paglagda sa nasabing kautusan ay isinasawalang-bahala ang kapakanan at panawagan ng bawat mamamayan na magkaroon ng tiyak at ligtas na pagtugon sa krisis sa enerhiya.

“Greenpeace is demanding the Duterte administration to revoke EO 164. We believe it is a treacherous move spurred by misguided interests that are not aligned with the interests of the Filipino people,” pahayag ni Yu.

Iginiit ni Yu na hindi rin naaangkop na mamuhunan ang Pilipinas sa nuclear energy dahil kasalukuyan pa ring lubog sa utang ang bansa at unti-unti pa lamang nakakabalik mula sa krisis dulot ng COVID-19 pandemic.

Suportado naman ng Simbahan ang panawagan ng mga makakalikasang grupo na itigil na ang pamumuhunan sa maruming enerhiya at sa halip ay paglaanan ng pondo ang renewable energy na matipid, malinis at ligtas para sa kalikasan at mga tao.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 46,720 total reads

 46,720 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 162,185 total reads

 162,185 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 247,554 total reads

 247,554 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 294,294 total reads

 294,294 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 342,161 total reads

 342,161 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 438,081 total reads

 438,081 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 173,928 total reads

 173,928 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top