Nuncio, humanga sa malalim na pananampalataya ng mga Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,087 total reads

Nagpahayag ng paghanga ang kinatawan ng Kanyang Kabanalan Francisco sa malalim na pananampalataya ng mga Katoliko sa Diocese of Malolos na nagdiwang ng ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag bilang isang diyosesis.

Ayon kay Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown kahanga-hanga ang mayamang pananampalataya at debosyon sa Mahal na Ina ng mga Katoliko sa Diyosesis ng Malolos na nakaugat na rin sa kultura at paraan ng pamumuhay ng bawat isa.

Pagbabahagi ng Arsobispo, isang karangalan na masaksihan at maging bahagi ng mahalagang paggunita ng ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag ng Diyosesis ng Malolos kasabay na rin ng ika-10 anibersaryo ng Canonical Coronation ng La Virgen Inmaculada Concepción de Malolos na patron ng diyosesis.

Partikular namang inanyayahan ni Archbishop Brown ang bawat mananampalataya na magtungo sa Malolos Cathedral at manalangin sa pamamagitan ng Mahal na Birheng Maria para patuloy na paglalim at paglago ng pananampalataya ng bawat isa.

“I was extremely impressed by the richness of the faith of the people in the Diocese of Malolos in this beautiful cathedral which dates back from many hundreds of years but today we celebrated the 60th anniversary of the diocese. The creation of the diocese in 1961 – 1962 which gives us 60 years of Catholic history here as a diocese, but as all of you know the Catholic faith has been here for many centuries and is really permeated the culture of Malolos and you see that in the great devotion of people especially to our Lady under her title of the Immaculate Conception and its beautiful statue in the cathedral which I encourage people to come and see and also pray to Our Lady here in the cathedral to the Our Lady to intercede for them. So it’s a place of great faith and great tradition, I’m happy to be part of the 60th birthday.”pahayag ni Archbishop Brown sa panayam ng Radyo Veritas.

Pinangunahan ni Archbishop Brown ang pagdiriwang ng Diyosesis ng Malolos kung saan bago isinagawa ang banal na misa sa Immaculate Conception Parish Cathedral & Minor Basilica o mas kilala bilang Malolos Cathedral ay isang Civic and Liturgical Reception ang inihanda ng diyosesis para sa kinatawan ng Santo Papa Francisco sa bansa na pinangunahan ni Malolos Bishop Dennis Villarojo.

Sa pamamagitan ng Papal Bull ni Pope St. John the 23rd noong 1961, ang “Christi Fidelium,” isinilang ang Diyosesis ng Malolos kung saan noong ika-11 ng Marso, 1962, ay biniyayaan ng Simbahang Katoliko ng kauna-unahang Obispo ang Malolos sa katauhan ni Bishop Manuel Platon Del Rosario, D.D.

Ang patrong titular ng Diyosesis ng Malolos ay ang Inmaculada Concepcion na ang Dakilang Kapistahan ay ipinagdiriwang tuwing ika-8 ng Disyembre.

Matatandaang ginawaran ng koronasyong kanonikal ang Virgen Inmaculada Concepcion de Malolos noong March 10, 2012 matapos na aprubahan ni Pope Emeritus Benedict the 16th ang paggawad ng karangalang ito sa pamamagitan ng papal bull na inilabas nuong Mayo 11, 2011.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 93,340 total reads

 93,340 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 170,503 total reads

 170,503 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 203,951 total reads

 203,951 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 239,250 total reads

 239,250 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 462,144 total reads

 462,144 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top