WWFN, inaanyayahan ang mamamayan na makinahagi sa Earth hour 2022

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 795 total reads

Muling inaanyayahan ng World Wide Fund for Nature – Philippines ang mamamayang Filipino na makibahagi sa taunang pagdiriwang ng Earth Hour na may temang “Shape Our Future”.

Muli itong isasagawa sa pamamagitan ng online sa March 26, 2022 kung saan sa ganap na alas-8:30 ng gabi ay sabay-sabay na papatayin ang lahat ng mga ilaw at kagamitang de kuryente sa loob ng isang oras.

Sa media launching ng Earth Hour 2022, sinabi ni Attorney Angela Ibay, WWF-Philippines Climate and Energy Program Head na sa pamamagitan ng Earth Hour, mahihikayat nito ang bawat Pilipino na ipahayag ang mga boses na makakatulong upang mapangalagaan ang inang kalikasan at mahubog nang wasto ang kinabukasan ng lipunan.

“We want people to lend their voices as we’re shaping our future, and hopefully, we’ll be changing the ending for the positive – for both people and the planet,” pahayag ni Ibay.

Napapanahon din ang pagdiriwang ng Earth Hour ngayong nalalapit na Eleksyon dahil magsisilbi itong inspirasyon sa pagbuo ng kolektibong pagkilos para sa kalikasan.

Ito’y sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng kamalayan partikular na sa mga usaping dapat na pagtuunan ng pansin ng bawat mamamayan lalong-lalo na ng mga lider ng bansa.

“It is for the Filipino voters, for the sake of our children, to let our leaders know that nature is important to you so that it will be important to them,” ayon kay WWF-Philippines Executive Director Katherine Custodio.

Magugunita noong nakaraang taon nang ipagdiwang din ang Earth Hour na may temang “Speak Up for Nature” na hinikayat naman ang mamamayan na ipahayag at ipagtanggol ang karapatan ng kalikasan upang ipabatid sa bawat pinuno ng mga bansa ang pangangalaga at pagpapahalaga na matagal nang hinaing ng ating nag-iisang tahanan.

15 taon nang isinasagawa ang Earth Hour sa iba’t ibang bahagi ng mundo na unang inilunsad noong 2007 sa Sydney, Australia, at 2008 naman sa Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 15,598 total reads

 15,598 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 46,871 total reads

 46,871 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 125,956 total reads

 125,956 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 220,182 total reads

 220,182 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 280,169 total reads

 280,169 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 71,682 total reads

 71,682 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top