Pagsunod sa safety protocols sa pagdiriwang ng Mahal na Araw, ipinag-utos ni Archbishop Palma

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 856 total reads

Inatasan ni Cebu Archbishop Jose Palma ang mga parokya ng arkidiyosesis na mahigpit na pakikipag-ugnayan sa nalalapit na pagdiriwang ng mga Mahal na Araw.

Sa inilabas na liham sirkular ng Arsobispo, pinaalalahanan nito ang mga pari na sundin pa rin ang mga protocol na pinagkasunduan ng simbahan at lokal na pamahalaan.

 

Ayon pa kay Archbishop Palma, bagamat maluwag na ang quarantine restrictions sa malaking bahagi ng bansa ay mahalaga ang pag-iingat lalo’t may banta ng ‘deltacron’ variant ng COVID-19.

Kabilang sa dapat isaalang-alang ng mga parokya ang constant cooperation and collaboration sa mga LGUs; sanitation ng mga parish churches; seating capacity ng mga simbahan; mga panuntunan sa mga gawain sa Semana Santa; at ang maihigpit na pagsunod sa safety protocol.

Sa kasalukuyan pinahihintulutan ng mga LGU ng Cebu ang 75-percent seating capacity sa loob ng mga simbahan habang magpapatupad ng physical distancing sa labas ng mga bahay dalanginan.

Pahihintulutan rin ng Archdiocese ang mga traditional na gawain tuwing Semana Santa tulad ng prusisyon at iba pa.

“This year however, we allow said activities [foot processions, Via Crucis] and be ever mindful of the health protocol, namely, the wearing of face mask and observing physical distancing at all times,” bahagi ng liham sirkular ni Archbishop Palma.

Kinakailangang aprubado ng lokal na pamahalaan ang ruta na dadaanan ng mga prusisyon para sa mas maayos na pagpapatupad ng safety protocol habang mahigpit na ipinagbabawal ang pagbitbit sa ‘Andas’ sa halip isakay na lamang ito sa sasakyan.

Umaasa si Archbishop Palma na maging makabuluhan ang pagdiriwang sa Paschal Triduum ngayong pinahihintulutan na ang pisikal na pagdalo sa mga simbahan at makatutulong na mapalalim ang pananampalataya ng mamamayan.

“May our observance of the Lenten season and the Paschal Triduum deepen our faith and lead us to an authentic renewal of mind and heart,” dagdag ng Arsobispo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 84,764 total reads

 84,764 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 162,574 total reads

 162,574 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 196,022 total reads

 196,022 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 231,320 total reads

 231,320 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 454,497 total reads

 454,497 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top