Pag-iral ng ‘new normal’, aral ng Covid-19 lockdown

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 841 total reads

Hinimok ng health ministry ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang bawat mamamayan na patuloy na manalangin para sa ganap na kagalingan ng bansa at buong mundo laban sa pag-iral ng COVID-19 pandemic.

Ito ang mensahe ni Military Bishop Oscar Jaime Florencio, vice-chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Health Care sa paggunita sa ikalawang taon nang isailalim sa ‘lockdown’ ang Metro Manila at iba pang lalawigan bunsod ng pandemya.

Ayon kay Bishop Florencio, ang pagpasok ng ‘new normal’ ay nagsisilbing paalala sa bawat isa na ang COVID-19 ay mananatili na sa lipunan kaya’t marapat na sundin ang ‘minimum public health standards’ na ipinag-utos ng pamahalaan sa pamamagitan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

Ilan sa mga ito ang patuloy na pagsusuot ng facemask lalo na sa mga pampublikong lugar, at ang palagiang paghuhugas ng kamay at paggamit ng alcohol.

“Sumunod tayo sa mga protocols because ang mga protocol na ‘yan ay bigay sa atin ng ating mga otoridad. Ipinatupad ‘yan para maging maganda at panatag ang buhay natin, hindi tayo magkasakit at hindi mamatay dahil sa virus,” pahayag ni Bishop Florencio sa panayam ng Radio Veritas.

Dagdag ng obispo, mahalaga rin ang pananatiling mahinahon sakaling mahawaan ng COVID-19 nang sa gayo’y maiwasan itong magdulot ng pangamba na maaaring mas magpalala pa ng sakit.

Hinimok din ni Bishop Florencio na ipanalangin ang kapayapaan ng mga kaluluwa ng mga nasawi dahil sa COVID-19.

“Ipagdasal natin kahit papaano na nalampasin natin ang two years na ito. Magpasalamat tayo sa Panginoon na buhay pa ‘yung iba sa atin at syempre ipagdasal din natin ang kapayapaan ng kaluluwa ng mga namatay dahil sa COVID-19,” ayon kay Bishop Florencio.

March 15, 2020 nang ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na isailalim sa community quarantine ang buong Metro Manila.

Kasunod naman nito ang pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa buong Luzon noong March 17, 2020 upang mapigilan ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nahawaan ng virus.

Sa kasalukuyan, aabot na sa mahigit 3.6 na milyon na ang kabuuang bilang ng mga naitalang kaso ng virus sa buong bansa kung saan higit sa 57-libo rito ang naitalang mga nasawi.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 7,416 total reads

 7,416 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

Hesukristo, hari ng pagmamahal at pagtanggap

 7,610 total reads

 7,610 total reads Binigyang-diin nina Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas at Novaliches Bishop Roberto Gaa ang natatanging paghahari ni Hesukristo na nakaugat sa pagmamahal, malasakit at paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 22,927 total reads

 22,927 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 145,305 total reads

 145,305 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 195,669 total reads

 195,669 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 322,727 total reads

 322,727 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 407,149 total reads

 407,149 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 231,290 total reads

 231,290 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top