Pamahalaan, hinamon ng Obispo na parusahan ang mga sangkot sa smuggling ng agricultural products

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 657 total views

Ikinababahala ni Cabanatuan Bishop Sofronio Bancud ang hindi akmang pagtugon ng mga opisyal ng pamahalaan sa mga nagpapahirap sa mamamayan.

Ito ang pahayag ng Obispo matapos ang senate hearing kung saan tinalakay ang talamak na smuggling ng mga agricultural products sa Pilipinas na pumapatay sa lokal na sektor ng agrikultura sa bansa.

Ayon sa Obispo, dapat pananagutin ang mga opisyal sa pamahalaan na sangkot at nagbigay pahintulot upang makapasok ang mga smuggled goods sa bansa.

“It is alarming to note that there seems to be a growing sense of relativism in our time and among our people so much so that in their reading of the signs of the times they, unfortunately, have become distorted, while in their response to the challenging situations have become almost inappropriate if not irrelevant – ang tugon nila ay hindi akma doon actual na sitwasyon dahil napapangunahan ng makasariling interes at hindi ang interes ng nakararami,” ayon sa panayam ng Radio Veritas sa Obispo.

Inihayag ni Bishop Bancud na bukod sa mga lider ng simbahang katolika ay kinakailangan ring manguna at makipag-laban para sa karapatan ng mga manggagawa sa agrikultura at iba pang sektor ang mga binyagang katoliko.

“Hindi lamang institutional church kundi ang bawat binyagan. Tayong lahat na bumubuo ng Sambahan, ang katawan ni Kristo. Very sadly, what seems to always happen is we wait for the institutional church to say and do something forgetting that each and everyone of us baptized,” pagbabahagi pa ng Obispo.

Ipinapanalangin rin ng Obispo ngayong panahon ng kuwaresma na magdulot ang mga pagninilay ng higit pang pagkakaisa sa lipunan at maiwaksi ang nagaganap sa kasamaan.

Ipinaoanalangin ni Bishop Bancud na magsilbing ring inspirasyon sa puso ng bawat mananampalataya ang muling pagkabuhay ni Hesus upang higit pang manindigan laban sa pananamantala, kasakiman at pagiging makasarili higit na ng mayroong mga posisyon sa pamahalaan.

“Ang aking dalangin, nawa ang biyayang dulot ng Panahon ng Kuwaresma bilang paghahanda sa dakilang kapistahan ng Muling Pagkabuhay ni Kristo ay magbunsod sa ating lahat na magkaisa sa pagsugpo ng malawak na kasamaan na lumalaganap sa iba’t-ibang larangan ng buhay, sa kultura, sa sports, sa panghanap buhay, sa edukasyon, sa politika, sa pampanilya na patuloy magpasa hanggang ngayon na nagpapahirap sa ating pamayanan,” pagbabahagi pa ni Bishop Bancud.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 26,346 total views

 26,346 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 59,428 total views

 59,428 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 87,779 total views

 87,779 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 155,510 total views

 155,510 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 176,784 total views

 176,784 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top