Presyo ng pangunahing bilihin tumataas kapag may oil price hike

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,717 total reads

Ang patuloy na pagtaas ng mga produktong petrolyo ang sanhi sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado.

Ito ang paglilinaw ni Rosendo So – Pangulo ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) sa inaasahang pagtaas ng presyo ng karne ng manok, baboy, baka, isda, tinapay at bigas sa susunod na buwan.

“Pero siyempre tumaas na ng Php70 (presyo ng gasolina) yung nagtanim ng December-January umabot na ng Php61 to Php62 so aanihin yan itong April 15 down, so tataas ulit yung presyo ng ingredient so dun natin binase na yung presyo dahan dahan na tumataas,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay So.

Isinisi din nina Cathy Estavillo – Spokesperson ng Bantay Bigas at Raul Montemayor – National Manager ng Federation of Free Farmers sa pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo ang hindi mapigilang pagmahal ng halaga ng ibat-ibang produktong pang-agrikultura.

Ayon kay Estavillo, ngayon taon ay umabot na sa piso kada kilo ang karagdagang presyo ng bigas matapos ang sunod-sunod na oil price hike.

“May pag taas na ang presyo ng bigas. Resulta ng sunod sunod na pagtaas ng presyo ng langis.. sa transportasyon ay tumaas ng P50/cavan ang transportasyon. Kaya automatic may pagtaas agad ng P1.00/kl ng bigas sa lahat ng klase,” ayon sa ipinadalang mensahe ni Estavillo sa Radio Veritas.

Inihayag din ni Montemayor na kapag tumaas ang presyo ng mga bilihin ay tataas din ang presyo ng fertilizers at animal feeds.

“Mostly due to direct and indirect effects of fuel price increases. Then for crops, high fertilizer prices. For livestock, high feed costs. Lahat na nagtataasan and farmers should be allowed to recover added costs,” ayon din sa ipinadalang Mensahe ni Montemayor sa Radio Veritas.

Unang nanawagan ang Catholics Bishops’ Conference of the Philippines sa pamahalaan na tugunan ang pangangailangan ng sektor ng agrikultura upang matiyak na mayroong sapat na suplay ng pagkain ang Pilipinas.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 5,854 total reads

 5,854 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 7,552 total reads

 7,552 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 17,662 total reads

 17,662 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 55,040 total reads

 55,040 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 86,310 total reads

 86,310 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 162,701 total reads

 162,701 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 256,062 total reads

 256,062 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top