Mamamayan, pinaalalahanan ng Obispo na huwag maging kampante sa banta ng COVID 19

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 627 total views

Hinikayat ng Diocese of Baguio ang mananampalataya na kasabay ng pananalangin at pagninilay ngayong Semana Santa ay patuloy pa ring sundin ang mga minimum health protocols laban sa COVID-19.

Batid ni Baguio Bishop Victor Bendico na nananabik ang mga tao dahil makalipas ang dalawang taong pagsasara ng mga simbahan dulot ng pandemya ay muli nang makakapagsagawa ng mga pampublikong pagdiriwang sa mga simbahan ngayong Mahal na Araw.

“This is really a period na tayo ay nagbabalik na naman ulit sa pinakaimportanteng semana ng buong taon. I know na this is something that the people have been looking forward dahil bumaba na nga ‘yung alert level,” pahayag ni Bishop Bendico sa panayam ng Radio Veritas.

Kasunod din ito ng panuntunan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na pahintulutan na ang 100-percent capacity sa pagsasagawa ng religious gatherings sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert level 1.

Ikinatuwa naman ni Bishop Bendico na sa Our Lady of the Atonement Cathedral o Baguio Cathedral ay makikita ang pagdagsa ng mga mananampalataya upang magsimba gayunman hindi na nasusunod ang social distancing.

Kaya paalala ng obispo na mabuting ipagpatuloy pa rin ang pagsusuot ng mga face mask at paggamit ng alcohol bilang proteksyon sa banta ng COVID-19.

Nauna rito ay nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa publiko para sa paggunita ng Semana Santa na huwag pa rin maging kampante dahil nananatili pa rin sa paligid ang banta ng pandemya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 47,546 total views

 47,546 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 77,769 total views

 77,769 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 104,420 total views

 104,420 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 199,393 total views

 199,393 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 217,390 total views

 217,390 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top