Obispo ng Tagbilaran, hinimok ang kapwa pari na ipagpatuloy ang misyon ni Hesus

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,116 total views

Hiniling ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy sa mananampalataya ang panalangin para sa mga pastol ng Simbahan na magpatuloy sa misyong maglingkod sa kawan ng Panginoon.

Ito ang pagninilay ng Obispo sa ginanap na Chrism Mass ng Diyosesis kung saan sinariwa ng mga pari ang sinumpaang tungkulin bilang mga lingkod ng Simbahan.

Tiniyak ni Bishop Uy sa halos isang milyong mananampalataya ng Diyosesis ang matapat na paglilingkod at paghahatid sa mensahe ng Panginoon sa bawat pamayanan.

“Akong inyong obispo kasama ang mga kapatid kong pari muling mag-alay ng aming sarili sa paglilingkod sa Diyos at sa sambayanan; manunumpang tupdin ng may pagmamahal, kababaang-loob at makatotohanan ang aming tungkulin bilang mga pastol,” bahagi ng pagninilay ni Bishop Uy.

Hamon ni Bishop Uy sa mga kapwa pastol ng Simbahan ang pagpapaigting sa paglingap sa kawang ipinagkatiwala sa kanilang pangangalaga.

Tinukoy naman ni Bishop Uy ang ilan sa mga gawaing nagpapahina at nagpapalayo sa ugnayan ng tao at Panginoon tulad ng pagbabahagi ng fake news na nagdudulot ng kasiraan ng kapwa; pagmumura, pang-iinsulto sa kapwa, at pagsasamantala sa kahinaan ng iba.

“Kung paiiralin natin ang mga masasamang katangian at nakagawian hindi ito ang Espiritu ng Diyos ang ating pinagsisilbihan kundi ang demonyo,” ayon pa sa Obispo.

Sa datos ng Catholic Hierarchy nasa 139 ang kabuuang bilang ng mga pari ng diyosesis sa pangunguna ni Bishop Uy na nangngasiwa sa 58 mga parokya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 45,503 total views

 45,503 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 75,726 total views

 75,726 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 102,377 total views

 102,377 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 197,350 total views

 197,350 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 215,481 total views

 215,481 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top