Manila clergy, pinasalamatan at kinilala ni Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 824 total reads

Kinilala at pinasalamatan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mga pari ng arkidiyosesis na nanatiling matatag at malikhain sa pagtupad ng misyon bilang pastol ng simbahan.

Sa Chrism Mass na ginanap sa Manila Cathedra nitong Huwebes Santo, April 14, batid ng arsobispo ang maraming pagbabago sa lipunan lalo na ang dulot ng pandemya na labis ang epekto sa pamayanan kabilang na ang simbahan.
Hinangaan ni Cardinal Advincula ang pagsusumikap ng mga pari para ihatid sa pamayanan si Hesus na nagbibigay ng pag-asa sa mananampalataya.

“My dear brother priests, as your pastor here in the Archdiocese of Manila, I personally thank you for exercising discernment, creativity, and courage in the ministry amid the drastic changes in the world today; I particularly appreciate the sacrifices you had to make during the pandemic. You have dared for newness for the sake of faithfulness to the mission,” pahayag ni Cardinal Advincula.

Paalala ng arsobispo sa mga pari na hindi ito nag-iisa sa pagtupad ng kanilang misyon kundi kasama nito ang kapwa pastol ng simbahan.

Tiniyak ng cardinal ang buong suporta sa bawat pari bilang punong pastol ng Archdiocese of Manila na mangangalaga sa mahigit 600 mga pari (diocesan & religious) na katuwang sa pangangasiwa sa 93 mga parokya sa limang lunsod.
“My brother priest you are never alone in the ministry, I assure you that you have a father and brother in me and my successors and a brother in the persons of your fellow priests,” dagdag pa ng cardinal.

Mula nang mailuklok na ika – 33 arsobispo ng Maynila ito ang kauna-unahang pagkakataon na pinangunahan ni Cardinal Advincula ang Chrism Mass at iba pang gawain sa mga Mahal na Araw.

Bukod sa pagsariwa sa pangako ng mga pari binasbasan din ni Cardinal Advincula ang mga Banal na Langis (Oil of the Sick, Oil of the Catechumens, Oil of the Chrism) na ginagamit sa mga sakramento ng simbahan sa buong taon.

Bukod kay Cardinal Advincula at mga pari ng arkidiyosesis dumalo rin sa pagtitipon si Manila Archbishop Emeritus Cardinal Gaudencio Rosales, Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown at Novaliches Bishop Antonio Tobias.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 77,642 total reads

 77,642 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 155,867 total reads

 155,867 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 189,314 total reads

 189,314 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 224,611 total reads

 224,611 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 448,039 total reads

 448,039 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top