Kumapit sa Panginoon — Easter message ni Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

 365 total views

Hinimok ng Arsobispo ng Arkidiyosesis ng Maynila ang mananampalataya na kumapit sa Panginoong nagbibigay pag-asa sa bawat isa.

Ito ang mensahe ng Kanyang Kabunyian Archbishop Jose Cardinal Advincula sa Pasko ng Muling Pagkabuhay ng Panginoon.

Ayon sa Arsobispo, dulot ng pag-asa ang hatid ni Hesus sa sanlibutan sa kanyang pagtagumpay na tawirin ang dilim ng kamatayan tungo sa buhay na walang hanggan.

“Jesus rose again to tell you in ways more powerful words, do not despair continue to trust, continue to hope, your third day will also come, there is also a resurrection that awaits you,” bahagi ng mensahe ni Cardinal Advincula.

Paliwanag ng Cardinal, hindi nagtapos sa pagpapakasakit at pagkamatay ang buhay ni Hesus kundi higit na ipinagdiriwang ng Simbahan ang muling pagkabuhay sa ikatlong araw.

Inihayag ni Cardinal Advincula na sinasagisag ng ikatlong araw na pinagtagumpayan ni Hesus ang kamatayan at kasamaan para sa kapakinabangan ng sangkatauhan.

“This is what Easter Sunday reminds us, there is always a resurrection and because Jesus rose again we have hope, there will always be a third day for us,” dagdag ng cardinal.

Batid ng pinunong pastol ng Maynila na maraming mamamayan ang pinanghihinaan at nawawalan ng pag-asa bunsod ng iba’t ibang hamong kinakaharap lalo na ang epekto ng COVID-19 pandemic sa buhay ng bawat isa.

Ilan dito ang mga nawalan ng mahal sa buhay kung saan sa pandaigdigang tala nasa anim na milyong katao ang nasawi sa pandemya, nawalan ng hanapbuhay dahil sa pagkalugi ng maraming negosyo, maging ang mga nalulong sa bisyo at biktima ng malng desisyon sa buhay.

Umaasa si Cardinal Advincula na mapagtatagumpayan ng daigdig ang epekto ng pandemya at muling makabangon ang pamayanan.

“Just wait, for life does not end there hindi pa tapos ang lahat there is always a third day, a day of victory, a day of resurrection, even this pandemic will have its third day,and one day we will all experience resurrection,” giit ni Cardinal Advincula.

Paalala ng Arsobispo sa mamamayan na kahit gaano kabigat ang mga suliranin manatiling kumapit sa Panginoon upang tamasahin ang pag-asa na ipinangako nito sa sambayanan.

Tiniyak ni Cardinal Advincula ang patuloy na pananalangin para sa lahat lalo na ang mga nahaharap sa matinding pagsubok na sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Hesus ay maliwanagan at mabigyang pag-asa ang bawat isa.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 35,314 total views

 35,314 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 40,732 total views

 40,732 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 47,439 total views

 47,439 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 62,233 total views

 62,233 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 68,389 total views

 68,389 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Apat na Filipino Bishops sa US, dadalo; Ikalimang Filipinong Obispo sa Amerika, oordinahan sa May 31

 76 total views

 76 total views Pupusan na ang paghahanda ng Diocese of Sacramento kasama ang Filipino communities sa California para sa nalalapit na ordinasyon bilang obispo ni Bishop-elect Rey Bersabal sa May 31. Ayon kay Pontificio Collegio Filippino Rector Fr. Gregory Ramon Gaston kamakailan ay nakipagkita ito sa bagong halal na katuwang na obispo ng Sacramento kung saan

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Divorce, labag sa batas ng simbahan

 142 total views

 142 total views Naniniwala si Tagbilaran Bishop Alberto Uy na mas mapagtibay ang pamayanang nakaugat sa pag-ibig, habag at paggalang sa sakramento ng pag-iisang dibdib. Ito ang mensahe ng obispo kasunod ng pag-usad ng House Bill No. 9349 o Absolute Divorce Act sa mababang kapulungan kung saan inaprubahan ito ng mga mambabatas sa pamamagitan ng viva

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Paigtingin ang pananalangin ng santo rosary, paanyaya ng simbahan sa mamamayan

 866 total views

 866 total views Hinimok ng pamunuan ng Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of Fatima sa Urduja, Caloocan City ang mamamayan na paigtingin ang pananalangin lalo ng Santo Rosaryo. Ayon kay Shrine Rector at Parish Priest Fr. Aristeo De Leon, sa kasalukuyang sitwasyon ng mundo mahalagang maisabuhay ang panawagan ng Mahal na Ina nang magpakita

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Polisiya sa pagtanggap sa dayuhang estudyante, pinahihigpitan ng isang mambabatas

 889 total views

 889 total views Iginiit ni ACT Teachers Partylist Representative France Castro na dapat higpitan ng pamahalaan ang mga polisiya sa pagtanggap ng mga dayuhang estudyante sa bansa. Sa panayam ng programang Veritas Pilipina, sinabi ni Castro na dapat suriing mabuti ang mga dokumentong isinusumite ng mga dayuhang pumapasok sa Pilipinas upang matiyak ang kanilang dahilan sa

Read More »
Cultural
Norman Dequia

AI, mapanganib kung gagamitin sa mis-communications

 2,552 total views

 2,552 total views Inihayag ng opisyal ng Archdiocese of Manila Office of Communications na kinilala simbahan ang pag-usbong ng makabagong teknolohiya sa lipunan. Ayon kay Radio Veritas Vice President, AOC Director Fr. Roy Bellen, biyaya ng Panginoon ang mga pag-unlad tulad ng ‘artificial intelligence’ na maaring gamitin ng simbahan sa pagpapaigting ng ebanghelisasyon gamit ang media.

Read More »
Latest News
Norman Dequia

Ipakilala, ipakita at ipagmalaki ang Mahal na Ina.

 3,729 total views

 3,729 total views Ito ang mensahe ni Antipolo Bishop Ruperto Santos sa nalalapit na Pontifical coronation ng Nuestra Señora de Fatima de Marikina sa May 12 kasabay ng pagdiriwang ng Mother’s Day. Ayon kay Bishop Santos, isang natatanging huwaran ang Mahal na Birhen sa kanyang kababaang loob na sumunod sa kalooban na maging ina ni Hesus.

Read More »
Latest News
Norman Dequia

Pastoral at spiritual enhancement ng mga kawani ng security forces ng bansa, tiniyak ng MOP

 4,330 total views

 4,330 total views Tiniyak ng Military Ordinariate of the Philippines ang pagpapalago sa espiritwalidad ng mga kawani ng security forces ng bansa. Ito ang mensahe ni Military Bishop Oscar Jaime Florencio kasunod ng paggawad ng sakramento ng kumpil sa 38 inidbidwal sa National Headquarters ng Bureau of Fire Protection sa Quezon City. Sinabi ng obispo na

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahang mag-pilgrimage sa Antipolo cathedral

 3,726 total views

 3,726 total views Inaanyayahan ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mananampalataya na makiisa sa pilgrimage season ngayong buwan ng Mayo sa pagbisita sa International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral. Ayon sa obispo magandang pagkakataon na makibahagi ang kristiyanong pamayanan sa mayamang kultura at tradisyon ng diyosesis kung saan sinimulan

Read More »
Latest News
Norman Dequia

Obispo, nagbabala sa publiko kaugnay sa A.I.

 6,242 total views

 6,242 total views Pinag-iingat ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mamamayan higgil sa paggamit ng makabagong teknolohiya, lalo na ang Artificial Intelligence. Ayon kay Boac Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr., chairman ng CBCP Episcopal Commission on Social Communication tulad ng mga modernong bagay maraming magagandang maidudulot ang paggamit ng A.I dahil pinabibilis

Read More »
Latest News
Norman Dequia

Santo Papa Francisco sa mga Kura Paroko: Itaguyod ang misyon at simbahang sinodal

 6,328 total views

 6,328 total views Pinaalalahanan ng Papa Francisco ang mga kura paroko sa natatanging gawain na maging tagapastol sa bawat binyagan tungo sa iisang misyong ipalaganap ang Mabuting Balita sa sanlibutan. Sa ginanap na International Meeting “Parish Priests for the Synod” sa Roma kinilala ng santo papa ang malaking gampanin ng mga kura paroko upang itaguyod ang

Read More »
Latest News
Norman Dequia

Pinakabatang Arsobispo ng Pilipinas, iniluklok bilang pinuno ng Archdiocese ng Caceres

 6,828 total views

 6,828 total views Humiling ng panalangin si Archbishop Rex Andrew Alarcon kasunod ng pagluklok bilang ikalimang arsobispo ng Archdiocese of Caceres sa Bicol region. Sinabi ng arsobispo na mahalaga ang mga panalangin ng mamamayan upang manatiling gabay ang Panginoon sa kanyang pagpapastol sa mahigit isang milyong kawan na ipinagkatiwala ng simbahan sa kanyang pangangalaga. Ito ayon

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mga bagong katungkulan sa Archdiocese of Manila, isinapubliko

 12,618 total views

 12,618 total views Itinalaga ng Kanyang Kabunyian Manila Arcbishop Jose Cardinal Advincula ang ilang pari sa kanilang bagong katungkulan sa mga parokya, mission stations at institusyon ng Archdiocese of Manila. Kabilang sa mga nagkaroon ng pagbabago ang pamunuan ng San Carlos Seminary kung saan itinalagang Rector si Fr. Rolando Garcia Jr. habang Vice Rector, Procurator at

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pagkakahirang sa ika-5 Pilipinong Obispo sa US, ikinatuwa ng Archdiocese of Cagayan de Oro

 13,140 total views

 13,140 total views Ikinatuwa ng Archdiocese of Cagayan de Oro ang pagtalaga ng Papa Francisco kay Filipino priest Fr. Reynaldo Bersabal bilang Auxiliary bishop ng Diocese of Sacramento. Ayon kay Archbishop Jose Cabantan, ito ay palatandaang patuloy ang paglago ng kristiyanismo sa Pilipinas sapagkat nakapagbahagi ng mga misyonerong Pilipino sa ibayong dagat. “We praise and thank

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mga kabataan, inaanyayahang tuklasin ang bokasyon

 13,241 total views

 13,241 total views Umaasa si Novaliches Bishop Emeritus Antonio Tobias na maging bukas ang mga kabataang pagnilayan ang bokasyon at tumugon sa tawag ng Panginoong maglingkod sa kawan. Ito ang mensahe ng obispo sa pagdiriwang ng pandaigdigang panalangin para sa bokasyon kasabay ng Linggo ng Mabuting Pastol. Ayon sa Obispo, nawa’y pakinggan ng mga kabataan ang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top