Diocesan Synod, magiging basehan sa paglikha ng pastoral strategies

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 626 total views

Nagpapasalamat ang Military Ordinariate of the Philippines sa mga nakatuwang at naging bahagi ng Diocesan Synod on Synodality Consultation ng diyosesis.

Ayon kay Bishop Oscar Jaime Florencio, nawa ang isinagawang konsultasyon batay sa mga kuwento at karanasan ng kinasasakupan ng Military Diocese ay magbunga at magtuluy-tuloy para sa sama-samang paglalakbay tungo kay Kristo.

“I hope and pray na the volunteers will continue even up to the time that itong document, because we are hoping a document coming from the Holy Father after this synod, na tayo rin po ay magkakaroon ng ating pastoral strategies, actions, and programs that will have an impact on this continuous journey that we have,” pahayag ni Bishop Florencio sa panayam ng Radio Veritas.

Ibinahagi naman ni Bishop Florencio na hindi naging madali ang proseso ng synodal consultation ng Military diocese.

Sinabi ng obispo na sinikap nitong mapanatili ang maayos na pakikipag-ugnayan sa mga kinasasakupan ng Military diocese sa buong bansa sa kabila ng mga krisis na kinakaharap.

Tinukoy ni Bishop Florencio ang magkakalayong mga kampo na binibisita lalo’t umiral sa bansa ang halos dalawang taong lockdown bunsod ng COVID-19.

“We saw to it that kahit papaano mayroon pang element of listening. We listened to the different consultation reports although ito rin po ay dalawang mode: one, mayroong online and the other one was face to face,” ayon kay Bishop Florencio.

Sa kabila naman ng mga suliranin, ipinagmamalaki ni Bishop Florencio na naging maganda at maayos ang pagtugon ng mga “uniformed personnel” sa isinagawang synodal consultation.

“Napakaganda po ng response ng mga tropa, meaning the men and women in uniform and their dependents, and then kasama na rin po ang mga volunteers namin. Dito sa diocesan synodal team, hindi po kami nahirapan in terms of the help of the people,” ayon sa obispo.

Ang synodal consultation ay bahagi ng panawagan ng Kanyang Kabanalan Francisco na layuning makalikha ng preparatory document na isusumite sa Vatican upang talakayin sa Synod of Bishops sa October 2023.

Ginanap nitong May 22 ang closing ceremony ng synodal consultation ng Military Diocese sa Shrine of Saint Therese of the Child Jesus sa New Port City Complex, Pasay City kasunod ang banal na Misa na pinangunahan ni Bishop Florencio kasama ang mga kinasasakupang chaplains.

Saklaw ng Military Ordinariate of the Philippines ang pangangasiwa sa paggabay sa buhay espiritwal ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management & Penology (BJMP), at Veterans Memorial Medical Center (VMMC).

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 9,791 total views

 9,791 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 53,399 total views

 53,399 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 137,925 total views

 137,925 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 154,455 total views

 154,455 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

CGG, nababahala sa Senado

 3,622 total views

 3,622 total views Nagpahayag ng pagkabahala si Fr. Warren Puno sa mga kaganapan sa Senate of the Philippines sa gitna ng umiinit na usapin kaugnay ng

Read More »
Scroll to Top