Too little, too late

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 708 total reads

Hindi sapat ang umento sa sahod o wage hike na ipapatupad sa iba’t-ibang rehiyon sa bansa.

Ito ang ipinahayag ng mga labor groups sa inaprubahang 33-pesos na wage hike sa National Capital Region, 35-pesos sa MIMAROPA, 32-pesos sa SOCCSKSARGEN at 55 hanggang 110-pesos na umento sa sahod sa Western Visayas.

Ayon kay Elmber Labog – Chairperson ng Kilusang Mayo Uno (KMU), dismayado ang kanilang grupo dahil napakaliit ng umento sa suweldo ng mga manggagawa gayong napakabilis ng inflation rate na pinataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado.

“Too little, too late, malayong malayo ang mga halagang yan sa itinaas ng presyo ng mga bilihin lalo na sa harap ng linggo-linggong na pagtataas ng presyo ng langis, Samakatuwid tuloy- tuloy din ang pagtataas ng presyo ng bilihin at serbisyo! Tingi ang P33 kumpara sa P1, 080 antas ng family living wage! maliit ang dagdag na ito sa P537 na kasalukuyang minimum wage sa Metro Manila,” ayon sa ipinadalang mensahe ni Labog sa Radio Veritas.

Samantala, bagamat naliliitan sa halaga ay kinilala naman ni Sonny Matula – Pangulo ng Federations of Free Workers ang wage hike na ipinatupad ng RTWPB.

Iginiit naman ni matula na kinakailangan parin ng 100-billion pesos economic stimulus package na magsisilbing pondo sa mga subsidy higit na sa mga manggagawang nawalan ng kabuhayan ng dahil sa pandemya.

Naninindigan ang KMU at FFW na dapat ipatupad ang mga batas na tutulungan ang mga manggagawa ng pantay-pantay na sahod na sapat para sa kanila at pamilyang sinusuportahan.

Kaisa naman ang simbahang katolika sa pagpapatupad ng mga polisiyang tutulungan ang mga manggagawa at mamamayan na makapamuhay ng may dignidad.

Una naring nakiisa ang Church People – Workers Solidarity (CWS) sa bawat sektor ng manggagawa kung saan kanilang naging pananawagan sa mga naihalal na bagong lider ng bansa ang pagsusulong ng mga batas na tutulungang makapamuhay ng may dignidad ang labor sector ng Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 15,300 total reads

 15,300 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 96,772 total reads

 96,772 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 130,221 total reads

 130,221 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 165,520 total reads

 165,520 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 391,538 total reads

 391,538 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top