Hand tractor robot for rice farming, ibinida ng UST

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,282 total reads

Ipinakilala ng University of Santo Tomas (UST) ang imbensyon na robot na tutulong sa mga magsasaka sa kanilang mga lupang tataniman.

Ayon kay Anthony James Bautista – Acting Assistant Dean ng UST Faculty of Engineering, layunin ng kaniyang imbensyon na padaliin ang pag-aararo ng lupa at bigyan ng karagdagang oras ang mga magsasaka na makasama ang kanilang mga pamilya.

Ang imbensyong robot na pinangalanang ‘Agrotis’ ay gumagamit ng Global Positioning System (GPS) upang matiyak na wasto, ligtas at tama lamang ang mabubungkal na lupang tataniman ng mga magsasaka.

“But robots can never replace our farmers. These technologies only aim to make their jobs easier through efficiency and safety, which can give them more time to be with their family,” ayon sa pahayag ni Bautista.

Ang proyekto ay pinondohan ng Department of Science Technology (DOST) at Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development (PCAARRD).

Magugunitang si Bautista rin ang imbentor ng robot na pinangalanang Logistic Indoor Service Assistant (LISA) na tumulong naman sa mga frontline health workers noong kasagsagan ng pandemya.

Sa tulong ng LISA-robot ay naihahatid ang mga gamot ng COVID-19 infected patients- na binabawasan ang exposure ng mga health workers sa virus.

Ipinangako rin ni Bautista ang patuloy na paglikha ng mga imbensyon na aagapay sa magsasaka na maari ring maengganyo ang mga kabataan na maging bahagi sa pagpapaunlad ng sektor ng agrikultura.

“Agriculture 5.0 is fast approaching, and we really need to work harder together so that we can cope with the ever-advancing technology. The good thing is that these [machinery] are becoming more accessible and affordable. If this is the case, our next task is to prepare and aid our farmers in adapting these technological tools,” pagbabahagi pa ni Bautista.

Una ng kinilala ng Kaniyang Kabanalang Kabanalang Francisco ang patuloy na pag-unlad ng teknolohiya kung saan kaniyang hiling at pananalangin na naway gamitin ito ng sangkatauhan para sa kabutihan ng mas nakakarami.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 31,002 total reads

 31,002 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 67,785 total reads

 67,785 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 85,996 total reads

 85,996 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 170,324 total reads

 170,324 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 206,282 total reads

 206,282 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bishop Presto, nakiisa sa mga binaha

 20,921 total reads

 20,921 total reads Nakikiisa si San Fernando-La Union Bishop Daniel Presto sa mga Pilipinong nakararanas ng matinding pagbaha at iba pang epekto ng masamang panahon, habang

Read More »
Scroll to Top