Tax at PHILHEALTH premium hike, insulto sa mga manggagawa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,213 total reads

Pataasin ang buwis ng mga malalaking korporasyon at nagmamay-ari nito.

Ito ang apela sa pamahalaan ni Father Eric Adoviso, Minister ng Manila Archdiocesan Ministry for Labor Concern sa halip na itaas ang buwis na sinisingil sa Value Added Tax at singil sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) Premium.

Ayon sa Pari, liliit ang purchasing power ng ordinaryong mamamayan na mabili ang pangunahing pangangailangan kapag itinaas ng pamahalaan ang VAT.

“Kailangan ayusin yung Health System, buwisan yung mayayaman tapos yung mahihina sila talaga yung makinabang sa serbisyo ng gobyerno. Hindi palagi yung mga mahihirap, bawat bili natin anuman ang puntahan natin may tax lahat. Ang isa pang problema ang laki ng utang natin,” pahayag Father Adoviso sa Radio Veritas.

Iginiit din ni Father Adoviso na sapat ang ipinatupad na wage hike sa National Capital Region at iba pang rehiyon sa bansa dahil aabot lamang ito ng 20 hanggang 110-piso kumpara sa napakalaking kita ng korporasyon.

Nanindigan naman si Sonny Africe, executive director ng Ibon Foundation na hindi patas para sa mga manggagawang lubhang naapektuhan ng mahigpit na pagpapatupad ng lockdowns kung itataas pa ang mga sinisingil na buwis.

“Dapat tanungin ng ordinaryong Pilipino kung bakit palaging tayo ang napapatawan ng buwis, sa harap ng napakaliit na kita at wala namang naiipong yaman. Habang ang iilan na may bilyun-bilyong piso ay nagbabayad ng malayo sa kaya pa sana nilang kontribusyon,” pahayag ni Africa sa Radio Veritas.

Ipinapanalangin naman ni Father Adoviso ang mga manggagawang apektado ang kabuhayan bunsod ng pagtaas ng bilihin at pandemya na tratuhin silang pantay ng mga employer.

Naunang ipinaliwanag ng Philhealth na ang pagtataas ng 4% mula sa 3% na singil sa buwanang suweldo ng mga manggagawa ay alinsunod sa Universal Health Care Law.

Ang PhilHealth premium hike ay aabot ng 400-piso para sa mga manggagawang kumikita ng 10-libong piso pababa kada buwan.

Para naman sa mga kumikita ng 10-libong piso hanggang 80-libong piso ay aabot ang singil sa 400 hanggang 3,200-piso kada buwan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 23,404 total reads

 23,404 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 103,854 total reads

 103,854 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 198,081 total reads

 198,081 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 258,570 total reads

 258,570 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 271,254 total reads

 271,254 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top