Archdiocese of Davao, ipagdiriwang ang patuloy na paglago ng GKK

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,171 total reads

Ipagdiriwang ng Archdiocese of Davao ang pananatiling matatag ng mga munting pamayanan sa lugar o ang ‘Gagmay’ng Kristohanong Katilingban (GKK).’

Sa sirkular na inilabas ni dating CBCP President Archbishop Romulo Valles, ikinagalak nito ang higit na paglago ng GKK sa Davao region na kasalukuyang nasa 50 taong naglilingkod sa pamayanan.

Dahil dito hinimok ni Archbishop Valles ang mananampalataya na makilahok sa mga gawaing pasasalamat sa Panginoon sa biyayang patatagin ang munting pamayanan sa pagmimisyon.

Itinakda ng arkidiyosesis ang pagdiriwang mula June 10, 11 at 12 sa temang ‘GKK, Gasa Diyos sa Davao, Nanag-uban sa Panaw sa Diwa sa Pagka-Piniyalan, 50 Anyos na sa Misyon.’

“We hope to achieve the objectives: to remember with thanksgiving the giftedness of the BEC for the past 50 years; to celebrate joyfully our identity as stewards; and to continue the synodal journey of communion-in-mission through participation, dialogue and co-responsibility,” ani sa pahayag ni Archbishop Valles.

Sa unang araw ng pagdiriwang inaasahang magtitipon ang 1, 656 GKK ng buong arkidiyosesis kung saan itatampok ang iba’t ibang kasaysayan ng pagsimula ng bawat pamayanan.

Sa ikalawang araw magtatalaga ng dalawang oras na radio program sa DXGN Spirit FM Davao sa temang ‘GKK: Gasa sa Diyos sa Davao’ na pangungunahan ni Vicky Estoque- Anghag, Fr. Pete Lamata at Bishop George Rimando.

Sa huling araw sa June 12 kasabay ng kapistahan ng Banal na Santatlo at BEC Sunday ay pangungunahan ni Archbishop Valles ang banal na misa sa San Pedro Cathedral sa alas otso ng umaga para sa Send-Off ceremony ng mga tagapangasiwa ng bawat GKK.
Batay sa kasaysayan 1971 nang magsimulang lumaganap sa arkidiyosesis ang GKK o BECs na hanggang sa kasalukuyan ay katuwang ng simbahan sa pagpapalaganap ng misyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 9,581 total reads

 9,581 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 90,997 total reads

 90,997 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 185,222 total reads

 185,222 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 245,712 total reads

 245,712 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 259,155 total reads

 259,155 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 35,213 total reads

 35,213 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »
Scroll to Top