“Eucharist is the medicine of immortality”⁠—Archbishop Brown

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,323 total views

Hinimok ng opisyal ng Vatican ang mananampalataya sa tuwinang pagtanggap ng Eukaristiya na nagdudulot ng pagpapagaling at kalakasan.

Ayon kay Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown, ang Eukaristiya o ang Banal na Katawan at Dugo ni Hesus ay ang tunay na presensya ng Panginoon na ating tinanggap sa tuwinang dumadalo sa Misa.

Paliwanag ni Archbishop Brown sa programang Pastoral Visit On-Air ng Radio Veritas, ang kasalanan ay nagdudulot ng pinsala sa katawan at kaluluwa ng mga tao na kinakailangan ng paghihilom para sa pagpapanumbalik ng kalakasan na dulot ng pagkakasala.

“All of us are (sinners), because of our original sin and our personal sin we are debilitated by our sins and by original sin and the Eucharist is healing us, preparing us for eternal life, restoring us to our original dignity as sons and daughters of the Father,” ayon kay Archbishop Brown.

Dagdag pa ng kinatawan ng Santo Papa na sa bawat pagtanggap ng banal na dugo at katawan ni Hesus ay paghahanda rin ng ating sarili para sa buhay na walang hanggan.

“We talk about the Eucharist as the medicine of immortality, think about those words…medicine of immortality, and the antidote against death. So, medicine all of us are sick,” dagdag pa ng opisyal ng Vatican.

Ipinaliwanag din ni Archbishop Brown ang kahalagahan ng kumpisal bago ang pagtanggap ng Eukaristiya lalo na sa mga kasalanang mortal.

Ayon kay Archbishop Brown, “In that situation, we must always first go to confession before we receive the Eucharist because Eucharist is medicine, but we don’t give medicine to dead people even doctors don’t right. So, if we are in a state of serious grave sin we need to confess and then we receive the Eucharist.”

Sa Linggo, June 19, ipagdiriwang ng Simbahan ang Corpus Christi Sunday.

Si Archbishop Brown ay mapanood at mapapakinggan sa Radio Veritas tuwing ikalawang Lunes ng buwan sa Apostolic Visit On-Air ganap na ikawalo hanggang ikasiyam ng umaga.

Bukod kay Archbishop Brown, bahagi rin ng programa ang mga obispo ng Pilipinas na sina Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula; Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, Pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines; San Pablo Bishop Buenaventura Famadico; Novaliches Bishop Roberto Gaa at Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

ACCOUNTABILITY

 11,275 total views

 11,275 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 81,387 total views

 81,387 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 156,001 total views

 156,001 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 236,080 total views

 236,080 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 278,940 total views

 278,940 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top