90 raliyista ng Hacienda Tinang, nakalaya sa bisa ng piyansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 759 total reads

Nakalaya na ang 90 mga raliyista na inaresto ng pulisya makaraan ang pagsasagawa ng kilos protesta sa Hacienda Tinang, Conception Tarlac.

Ayon kay Fr. Randy Salunga ng Caritas Tarlac, kabilang sa mga inaresto noong June 9 ay ang mga magsasaka at ilang mga estudyante na pinalaya matapos na maglagak ng tig-14 na libong piso bilang piyansa.

Ang mga raliyista ay nahahaharap sa kasong illegal assembly at malicious mischief na pansamantalang nakalaya sa bisa ng piyansa.

Nanawagan naman ang pari sa Agrarian Reform (DAR) na madaliin ang pagsasaayos ng mga ipinangakong lupain para sa mga tunay na benepisyaryo na umaabot na ng 26-taon.

“Yung pagpapalaya sa kanila well off course magandang kaganapan po iyon na ikinagagalak natin hindi tumagal yun. Yung kaso at may pag-uusap para ma-dismiss din yung kaso, kasi nga ang issue dapat i-resolve ito ng Department of Agrarian Reform, again regarding that issue what we want is lumabas yung katotohanan at yung mga tunay na beneficiaries ay dapat ibigay na sa kanila yung lupa,” ayon sa panayam ng Radio Veritas.

Kabilang sa mga inarestong magsasaka ay bahagi ng Agararian Reform Beneficiaries (ARB) sa Hacienda Tinang.

Sa ulat, ang lupang taniman kung saan isinagawa ang demonstrasyon ay pinagtatalunang lupain sa pagitan ng mga naarestong magsasaka at kooperatiba sa lugar.

Hiling ng pari sa dalawang kampo ang paggalang sa Saligang Batas ng Pilipinas at sa magiging desisyon ng DAR sa kung sino ang nararapat mag may-ari ng lupain.

“Sila ang nagma-manage, tapos kasama doon sa kooperatiba ay mga member din doon sa CLOA (Certificate of Land Ownership Award), beneficiaries din sila, may mga titulo, may title pero nagkakagulo doon sa mga listahan minsan, then yung iba pasok minsan yung iba kasi yun nga may claim na on the part doon sa kooperatiba may nagbenta na, may sinanla so mga ganun-ganung issue, so the issue should be settled by the DAR,” ayon pa sa pahayag ng pari.

Nilinaw din ni Fr. Salunga na taliwas sa mga naunang ulat, maayos naman ang kalagayan ng mga inaresto sa loob ng piitan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 74,128 total reads

 74,128 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 152,569 total reads

 152,569 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 186,017 total reads

 186,017 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 221,314 total reads

 221,314 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 444,843 total reads

 444,843 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top