Mga Lumad, apektado ng Build, Build, Build Program ng Duterte administration

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 845 total views

Nananatiling pagsubok sa mga Lumad o katutubo ng Cagayan de Oro-Butuan-Surigao-Tandag-Malaybay (CaBusTaM) ang pakikipaglaban para sa kanilang mga ninunong lupain mula sa epekto ng komersiyalismo.

Ayon kay Fr. Jong Sabuga, Indigenous Peoples Apostolate in-charge ng Arkidiyosesis ng Cagayan de Oro na nararanasan ngayon ng mga katutubo mula sa mga nabanggit na diyosesis ang epekto ng Build Build Build program ng pamahalaan na nakakahikayat sa pagpasok ng mga negosyo at mga malalaking kumpanya.

Batid ni Fr. Sabuga na bagamat malaki ang maitutulong nito sa pag-unlad, nagiging sanhi naman ito ng iba’t ibang suliranin sa kalikasan at kaligtasan ng mga katutubo.

“That gives a challenge in the culture and the community. That’s the major thing that is happening in CaBuSTaM aside from small mining industry and continuing of illegal logging, like having roads and they cut trees,” pahayag ni Fr. Sabuga sa panayam ng Radio Veritas.

Matagal nang nanganganib ang buhay ng mga Lumad dahil sa pagpasok ng komersyalismo kung saan sapilitan silang pinapaalis sa kanilang mga ninunong lupain upang maging lugar ng iba’t ibang malalaki at mapaminsalang proyekto.

Samantala, nagpapasalamat naman si Fr. Sabuga sa pagkakataong makabahagi sa 40th National Social Action General Assembly (NASAGA) ng NASSA/Caritas Philippines sa General Santos City, South Cotabato dahil dito’y kanilang naipapabatid ang mga suliranin ng iba’t ibang diyosesis na kailangang matugunan.

“That’s why we’re so grateful for them to know about the issues in our area and we continue to pray and to be solid as church members,” saad ng pari.

Ang NASAGA ay isinasagawa tuwing ikalawang taon na dinadaluhan ng iba’t ibang diocesan social action directors at workers upang talakayin ang pagpapaigting sa mga programang makakatulong sa mga mahihirap at iba pang sektor ng lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

ACCOUNTABILITY

 15,732 total views

 15,732 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 85,844 total views

 85,844 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 160,459 total views

 160,459 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 240,537 total views

 240,537 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 283,151 total views

 283,151 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top