Bahay-bahay na pagtulong, patuloy na isinagawa ng Diocese of Cabanatuan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 976 total reads

Patuloy ang Diyosesis ng Cabanatuan sa pagtulong sa mga mahihirap na pamilya na lubhang naapektuhan ng umiiral na coronavirus pandemic.

Ayon kay Cabanatuan Social Action Director Fr. Aldrin Domingo, kasabay ng paglaganap ng pandemya ay inilunsad ng diyosesis ang programang Alay Kapwa sa Pamayanan – Caritas Kindness Station.

Nilalayon nitong maibsan sa simpleng paraan ang pasanin ng mga mahihirap na pamilyang sinisikap na makaahon mula sa epekto ng pandemya.

“Nagpapatuloy po ‘yung programa ng Diocese of Cabanatuan until now para somehow maka-survive sila and that’s our goal to be able to help them to survive this pandemic times,” pahayag ni Fr. Domingo sa panayam ng Radio Veritas.

Pagbabahagi ni Fr. Domingo na kaiba sa mga karaniwang kindness stations, ang mga volunteers mismo ang nagpupunta sa mga tahanan at nagdadala ng mga pagkain at iba pang tulong sa mga napiling benepisyaryo.

Sinabi ng pari na sa pamamagitan din ng pagbabahay-bahay ay napapagtuunan ng simbahan na kilalanin at makadaupang-palad ang kanilang mga tinutulungan.

Natutuwa naman si Fr. Domingo sa patuloy na suporta ng mga benefactors kaya’t patuloy din ang pagtulong ng simbahan sa mga higit na nangangailangan.

“It’s not really the funds na naiipon natin sa simbahan kun’di it is coming from the people pero locally. Kumbaga bigay din ng mga tao, the good thing is kapag nakikita ng tao where the money goes, tuluy-tuloy po ‘yung tulungan na ‘yun,” ayon kay Fr. Domingo.

Umabot na sa humigit-kumulang 20-milyong piso ang naipong pondo ng Diyosesis ng Cabanatuan bilang tulong sa mga mahihirap na pamayanang saklaw nito.

Batay naman sa huling tala ng Social Weather Stations, umabot na sa 11-milyon ang kabuuang bilang ng mahihirap na pamilya sa bansa dulot ng patuloy na krisis ng pandemya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 86,288 total reads

 86,288 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 120,186 total reads

 120,186 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 155,485 total reads

 155,485 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 381,755 total reads

 381,755 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 270,605 total reads

 270,605 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 155,402 total reads

 155,402 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top