Veritas Priest anchor, nagpapasalamat sa Poong Nazareno sa himala ng panibagong-buhay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 897 total reads

Nagpapasalamat ang anchor priest ng Radio Veritas na si Fr. Douglas Badong sa itinuturing niyang ikalawang buhay makaraan masangkot sa aksidente sa Cavite.

Ang minamanehong sasakyan (Innova) ni Fr. Badong ay kabilang sa 10-sasakyan na labis na napinsala nang ‘suyurin’ ng truck na nawalan ng preno sa kahabaan ng Silang Cavite.

“Nagpapasalamat talaga ako sa Diyos, Poong Nazareno. Ito pala yung tinatawag nilang second life, miracle. Miracle, talaga kasi mga sasakyan lang ang nadamage at hindi ang mga tao,” ayon kay Fr. Badong.

Ayon pa kay Fr. Badong, ipinagpapasalamat niya sa Poong Nazareno ang kanilang kaligtasan, lalo’t walang naitalang nasawi sa naganap na aksidente.

“Himala talaga na buhay kami lahat, kahit na kuping-kupi na ang mga sasakyan, ang lakas talaga ng impact na yung feeling mo ay inuuga ka,” ayon kay Fr. Badong.

Ang pari ay galing ng Batulao, Batangas para magkasal at papauwi na ng Maynila nang maganap ang insidente.

Si Fr. Badong ay ang parochial vicar ng Minor Basilica of the Black Nazarene o mas kilala bilang Quiapo Church at anchor priest ng programang Barangay Simbayanan Wednesday edition ng Radio Veritas.

Paalala rin ng pari sa lahat ng motorista nang ibayong pag-iingat sa pagmamaneho at pagtiyak na nasa maayos na kundisyon ang ginagamit na sasakyan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 2,872 total reads

 2,872 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 40,253 total reads

 40,253 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 71,524 total reads

 71,524 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 148,864 total reads

 148,864 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 242,944 total reads

 242,944 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top