517 total views
Muling ipinaalala ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Social Communications (CBCP-ECSC) na gamitin ang social media sa ebanghelisasyon.
Ito ayon kay Boac, Marinduque Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr.-chairman ng CBCP-ECSC sa patuloy na pag-unlad ng teknolohiya.
Ayon pa sa Obispo, maari din itong makatulong sa sa pagpapalaganap ng mga gawaing may mabuting adhikain lalo na sa pagtulong sa mahihirap at nagugutom.
“Spreading the good news can be done through them, amplifying the impact of good deeds and good products is something we could all assist each other in a more extensive manner through the various social media platforms,” ayon sa mensaheng ipinadala ng Obispo sa Radio Veritas.
Pinaala rin ni Bishop Maralit ang mensahe ng Kaniyang Kabanalang Francisco noong 2019 World Communication Day hinggil sa kahalagahan ng social media para sa kapayapaan, kapayapaan, edukasyon at impormasyon bilang pinakamadaling paraan na pakikipag-ugnayan maging sa mga nasa malalayong lugar.
“The Holy Father referred to this great potential of social media when the “net” and “networks” bring people together, help them share useful information and educate one another using social networks to form and promote “community,” implies encouraging interaction, support, and solidarity,” ayon pa sa mensahe ni Bishop Maralit.
Batay sa datos ng Data Reportal noong Enero 2022, aabot sa higit 76-milyong katao ang gumagamit ng internet sa Pilipinas mula sa kabuuang 100 milyong populasyon.