10th World Meeting of Families: Sama-samang paglalakbay kasama ang simbahan-Pope Francis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 620 total reads

Pinasalamatan ng Kanyang Kabanalan Francisco ang mga pamilyang dumalo sa 10th World Meeting of Families sa Roma.

Tinukoy ng Santo Papa ang mga pamilyang nagbahagi sa unang araw ng pagtitipon na nagsilbi rin bilang mga kinatawan ng bawat pamilya na may parehong karanasan sa buhay.

“Your testimonies have acted as “amplifiers”: you have given voice to the experience of many families in the world, who, like you, live the same joys, anxieties, the same sufferings and hopes,” ayon kay Pope Francis.

Tiniyak ni Pope Francis sa bawat pamilya sa buong mundo ang pakikiisa ng simbahan lalo na ng mga pastol sa kanyang pamumuno sa bawat karanasan at hamong kinakaharap ng mga pamilya.

Ayon sa santo papa na sa kabila ng mga hamon ay mahalagang harapin ang mga pagsubok ng buong kababaang-loob at pagtitiwala sa Panginoon.

Tinuran din ni Pope Francis ang synodality o sama-samang paglalakbay ng bawat pamilya tungo sa nagbubuklod na pamayanan.

“My encouragement is above all precisely this: to start from your real situation and from there try to walk together: together as spouses, together in your family, together with other families, together with the Church,” ani ng Santo Papa.

Tema ng World Meeting of Families ang ‘Family Love: A Vocation and a Path to Holiness’ na nagpapakita ng mga karanasan ng mga pamilya mula sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

Sa Pilipinas, may 24 na indibidwal ang dumalo sa pandaigdigang pagtitipon sa pangunguna ni Parañaque Bishop Jesse Mercado- pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines- Commission of Family and Life.

Bukod sa Roma, kasabay din ng pagtitipon ang local celebrations ng bawat diyosesis sa bansa hanggang June 26, kabilang na ang paglulunsad ng ‘family congress’.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 86,290 total reads

 86,290 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 120,188 total reads

 120,188 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 155,487 total reads

 155,487 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 381,757 total reads

 381,757 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 270,607 total reads

 270,607 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top