Pagsuporta ng Metro Manila mayors sa pagpahinto ng quarrying sa Masungi Georeserve at Upper Marikina watershed, kinilala ng Obispo

SHARE THE TRUTH

 499 total views

Pinuri ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pakikiisa ni Quezon City Mayor Joy Belmonte sa iba pang alkalde ng National Capital Region sa panawagang ihinto ang quarrying operations sa Masungi Georeserve at Upper Marikina Watershed sa lalawigan ng Rizal.

Ayon kay Cubao Bishop Honesto Ongtioco, miyembro ng CBCP – Episcopal Commission on Social Action, Justice, and Peace, magandang hakbang ito ng mga opisyal ng Metro Manila dahil patunay ito na kanilang ang mga pangako na pangalagaan ang kapakanan ng kalikasan at mga kinasasakupan.

Nauna nang nagpahayag ng suporta sa panawagan sina Pasig City Mayor Vico Sotto, Marikina City Mayor Marcelino Teodoro, at Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi.

“Maganda itong ginawa ng mga Mayor ng Metro Manila, especially kay Mayor Joy [Belmonte] dahil pinapakita nila na tinutupad nila ang kanilang mga pangako na paglingkuran hindi lamang ang mamamayan kundi pati ang inang kalikasan,” pahayag ni Bishop Ongtioco sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi ni Bishop Ongtioco na nararapat lamang na paigtingin ang panawagang ihinto ang anumang uri ng proyektong nakakasira sa kalikasan dahil tiyak na mas matinding panganib ang maaaring idulot nito sa malalapit na komunidad sakaling magkaroon ng mga sakuna.

“Hindi nakakatulong sa kalikasan ang pagbubungkal ng lupa at pagpuputol ng mga punongkahoy sa mga kabundukan dahil mas lalo lamang itong nakadaragdag sa suliranin natin sa climate change. Kapag lumala ito, mas magdurusa ang mga tao sa oras na dumating na ang mga kalamidad, kapag gumanti na si inang kalikasan,” ayon sa Obispo.

Panawagan naman ni Bishop Ongtioco na nawa’y mas paigtingin pa ng pamahalaan ang pagsusuri at pagbabawal na bigyan ng permiso ang mga malalaking kumpanya upang magsagawa ng ilegal na operasyon.

Dalangin din ng Obispo na dumami pa ang mga opisyal ng pamahalaan na tumulad sa mga naunang lumagda sa panawagan upang patuloy na itaguyod ang pagmamalasakit at pangangalaga sa ating nag-iisang tahanan.

Sa sama-samang panawagan ng mga opisyal, umaapela ang mga ito sa quarrying companies na muling suriin ang magiging epekto ng kanilang mga proyekto sa kalagayan ng mga tao at kalikasan, at kusang-loob na bawiin ang mineral production sharing agreements sa loob ng Upper Marikina River Basin Protected Landscape at Masungi Georeserve.

Nakasaad naman sa ensiklikal na Laudato Si’ ng Kanyang Kabanalan Francisco na tungkulin ng bawat mamamayan ang pangalagaan ang kalikasan laban sa pang-aabuso ng mga tao para na rin sa kapakinabangan ng susunod na henerasyon.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 51,603 total views

 51,603 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 57,021 total views

 57,021 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 63,728 total views

 63,728 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 78,521 total views

 78,521 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 84,677 total views

 84,677 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Michael Añonuevo

Makibahagi sa misyon ni kristo, hamon ng pari sa mananampalataya

 999 total views

 999 total views Hinamon ng rektor at kura paroko ng Diocesan Shrine and Parish of San Isidro Labrador sa Pulilan, Bulacan ang mga mananampalataya na makibahagi sa misyon ni Kristo. Ito ang paanyaya ni Fr. Dario Cabral sa bawat isa kasabay ng pagdiriwang sa kapistahan ng patron ng mga magsasaka na si San Isidro Labrador at

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Pagpapabilis sa proseso ng mining permits, tinututulan ng ATM

 4,462 total views

 4,462 total views Tinututulan ng Alyansa Tigil Mina ang plano ng Department of Environment and Natural Resources na pabilisin ang proseso sa pagbibigay ng mining permits. Ito’y matapos na i-anunsyo ni DENR Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga na gawing tatlong taon mula sa anim na taon ang proseso sa mining permits para sa pagpapatupad ng digitalization sa

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Katotohanan sa pamamahayag, kinakailangan sa paglaban sa climate change

 5,639 total views

 5,639 total views Pinuri ng Climate Change Commission (CCC) ang kahalagahan ng epektibo at responsableng pamamahayag sa gitna ng kinakaharap na pagsubok sanhi ng pagkasira ng kalikasan at nararanasang krisis sa klima. Ayon kay CCC vice chairperson and executive director Robert E.A. Borje, sinisikap ng mga journalist o mamamahayag na palakasin ang tinig ng mga sektor

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Supreme Court, pinuri ng Caritas Philippines

 5,664 total views

 5,664 total views Suportado ng development at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang desisyon ng Supreme Court na ang red-tagging ay isang banta sa karapatan ng mga Pilipino. Ayon kay Caritas Philippines’ president, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, maituturing ang desisyon ng Korte Suprema na malaking pagbabago para sa mga tagapagtanggol ng

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Pagsagip sa Danajon Bank double barrier reef, panawagan ng Obispo ng Tagbilaran

 5,962 total views

 5,962 total views Umapela ang Diyosesis ng Tagbilaran sa mamamayan at mga lokal na opisyal ng Bohol upang iligtas sa mapaminsalang pag-unlad ang Danajon Bank Double Barrier Reef. Ayon kay Bishop Alberto Uy, tungkulin ng bawat isa na isaalang-alang ang pangangalaga sa mga itinuturing na mahalagang kayamanan ng bansa upang mapanatili ang likas na ganda at

Read More »
Economics
Michael Añonuevo

Mamamayan, hinamong supilin ang kultura ng takot na umiiral sa bansa

 5,969 total views

 5,969 total views Nalulutas lamang ang isang suliraning panlipunan kapag ang lahat ay kumikilos at nakikibahagi. Ito ang binigyang-diin ni running priest Fr. Robert Reyes hinggil sa pag-iral ng kultura ng takot sa lipunan dulot ng war on drugs ng nakaraang administrasyon. Ayon kay Fr. Reyes, ang pagtugon ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa

Read More »
Latest News
Michael Añonuevo

Ipagdasal ang mga bumbero, panawagan ng MOP sa mananampalataya

 6,314 total views

 6,314 total views Hinikayat ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio ang patuloy na pananalangin para sa kaligtasan ng mga bumbero. Ayon kay Bishop Florencio, malaking tulong ang pagkakaroon ng espiritwal na paggabay sa mga bumbero lalo na’t hindi biro ang kanilang misyong pigilan ang pinsala ng sunog at magligtas ng maraming buhay.

Read More »
Latest News
Michael Añonuevo

Cardinal Advincula may hamon sa BFP

 6,466 total views

 6,466 total views Manindigan at matapang na harapin ang pagsubok tulad ni San Floriano. Ito ang hamon ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa mga kawani ng Bureau of Fire Protection sa Banal na Misa para sa Kapistahan ni San Floriano sa BFP National Headquarters sa Quezon City. Ayon kay Cardinal Advincula, ang pagsasakripisyo at paninindigan

Read More »
Latest News
Michael Añonuevo

Maging kasangkapan ng pag-asa at pagbabago, panawagan ng simbahan sa mamamayan

 7,140 total views

 7,140 total views Hinihikayat ng simbahan ang mga mananampalataya na maging kasangkapan ng pag-asa at pagbabago sa pagdiriwang ng Laudato Si’ Week ngayong taon. Kasabay ng pagdiriwang sa Linggo ng Pentekostes ay muling pangungunahan ng Laudato Si’ Movement, sa tulong ng Vatican Dicastery for Promoting Integral Human Development, ang pagdiriwang sa Laudato Si’ Week mula May

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Archdiocese of Cebu, nakiisa sa pananalangin ng ulan

 8,245 total views

 8,245 total views Maliban sa english at tagalog version, isinalin din sa Cebuano ang inilabas na Oratio Imperata Ad Petendam Pluviam ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines para sa pagkakaroon ng ulan sa gitna ng tagtuyot. Nakikiisa ang Archdiocese of Cebu sa panawagan ng CBCP-Episcopal Commission on Liturgy sa sama-samang pananalangin upang magkaroon ng ulan

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

CBCP, nanawagan ng pag-usal ng Oratio Imperata

 8,354 total views

 8,354 total views Dulot na rin ng patuloy na nararanasang init ng panahon, hinimok ng Catholic Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pag-usal ng Oratio Imperata upang hingin ang pagkakakaroon ng ulan. Ang Oratio Imperata Ad Petendam Pluviam ay paanyaya para sa sama-samang pananalangin upang magkaroon ng ulan at maibsan ang matinding init dulot ng

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Diocese ng Imus magsasagawa ng Oratio Imperata laban sa El Niño

 5,806 total views

 5,806 total views Hinikayat ng Diocese of Imus ang mga mananampalataya na taimtim na manalangin laban sa lumalalang init ng panahon dulot ng El Niño Phenomenon. Sa liham sirkular, ipinag-utos ni Imus Bishop Reynaldo Evangelista ang pag-usal ng Oratio Imperata sa mga Banal na pagdiriwang sa mga parokya at pamayanan, at hilingin ang pagkakaroon ng ulan

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Manggagawa: Naway maging kasangkapan sa pangangalaga ng mundo

 5,053 total views

 5,053 total views Hinimok ni San Jose, Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari ang mga mananampalataya, lalo na ang mga manggagawa, na maging kasangkapan sa pagpapahalaga at pangangalaga sa lahat ng nilalang ng Diyos. Ayon kay Bishop Mallari, ipinapaalala ng Diyos sa lahat na ang bawat paggawa ay halimbawa ng pakikiisa sa kakayahang maglalang ng Maylikha. Ang

Read More »
Latest News
Michael Añonuevo

EJK memorial site, pormal ng binuksan

 6,774 total views

 6,774 total views Pinasinayaan ng Arnold Janssen Kalinga Foundation, Inc. ang kauna-unahang Extra-judicial killing (EJK) memorial site sa bansa na matatagpuan sa loob ng La Loma Catholic Cemetery, Caloocan City. Pinangunahan ni AJ Kalinga Foundation Inc. Founder at President, Fr. Flavie Villanueva, SVD at Diocese of Kalookan Vicar General Fr. Jerome Cruz ang pagpapasinaya at pagbabasbas

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Mamamayan, hinimok ng Obispo na ipagdasal ang pagkakaroon ng ulan

 7,355 total views

 7,355 total views Hinikayat ni Tagbilaran Bishop Abet Uy ang mga mananampalataya na manalangin para sa pagkakaroon ng ulan upang maibsan ang nararanasang matinding init ng kapaligiran. Ayon kay Bishop Uy, hindi lamang tao ang nagdurusa sa nararanasang matinding init ng panahon, kun’di maging ang mga hayop at halaman. Binigyang-diin ng obispo na hindi pagmamay-ari ng

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top