Ang taong may dalisay na puso ay kinalulugdan ng panginoon-Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 659 total views

Hinimok ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mananampalataya na magkaroon ng dalisay na puso na tulad ng Mahal na Birheng Maria.

Ito ang pagninilay ng arsobispo sa misang ginanap sa Immaculate Heart of Mary Parish sa Maysilo Malabon sa pagdiriwang ng kapistahan ng Kalinis-linisang Puso ni Maria.

Ayon kay Cardinal Advincula higit kinakailangan ng mundo ang mga taong may malinis na puso upang mangibabaw ang katotohanan at katarungan sa lipunan.

“Mga kapatid, gawin nating makahulugan ang pagdiriwang ng kapistahan ng Kalinis-linisang puso ni Maria sa pamamagitan ng ating patuloy na pagsisikap na magkaroon ng malinis at dalisay na puso. Kailangang-kailangan ng ating mundo ngayon ang mga taong may malinis na puso,” bahagi ng pagninilay ni Cardinal Advincula.

Ipinaliwanag ng Kardinal na ang taong may malinis na puso ay may hangaring para sa ikabubuti ng kapwa, maunawain, mapagpatawad, hindi nabubuhay sa kasinungalingan kundi nangingibabaw ang katwiran, katotohanan at katarungan.

Sinabi ni Cardinal Advincula na ang pagtataglay ng dalisay na puso na tulad ng Mahal na Ina ay mapagpakumbaba at masunurin sa kalooban ng Panginoon.

Dalangin ng arsobispo sa bawat isang pagsumikapang tularan ang mga halimbawa ng Mahal na Birhen upang kalugdan ng Diyos.

“Ito ang ating panalangin, ito ang biyayang ating hiling na ang puso natin ay maging banal katulad ng puso ni Hesus at maging malinis katulad ng puso ni Maria,” ani Cardinal Advincula.

Pinangunahan din ni Cardinal Advincula sa nasabing pagdiriwang ang pagtalaga ng Pilipinas sa Kalinis-linisang Puso ni Maria para sa kaligtasan ng mamamayan sa iba’t ibang uri ng banta at hamong nararanasan kabilang na ang banta sa kalusugang dulot ng coronavirus na kumitil sa buhay ng milyong-milyong katao at nagpabagsak ng ekonomiya sa mundo.

Ang Immaculate Heart of Mary sa Maysilo Malabon na pinamumunuan ni Father Lauro Frias ay bahagi ng Diocese of Kalookan na binubuo ng 29 na mga parokya, 2 quasi parish at 15 Mission Stations na pinangangasiwaan ni Bishop Pablo Virgilio David ang kasalukuyang pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 20,469 total views

 20,469 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 50,692 total views

 50,692 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 77,343 total views

 77,343 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 172,316 total views

 172,316 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 192,222 total views

 192,222 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top