Responsableng quarrying sa Mayon volcano, panawagan ng Diocese of Legazpi

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 726 total reads

Patuloy na nananawagan ang Diyosesis ng Legazpi laban sa pagsasagawa ng quarrying sa bahagi ng Mayon Volcano sa lalawigan ng Albay.

Ayon kay Bishop Joel Baylon matagal nang panawagan ng diyosesis sa pamahalaan ang pagpapatupad ng mahigpit na panuntunan para sa ligtas at maayos na quarrying upang hindi maulit ang mga nagdaang sakuna na kumitil sa buhay ng maraming residente ng Albay.

“We continue to call for more responsible quarrying activities in the slopes of Mayon Volcano in order to avoid any future disasters when heavy rains come especially during typhoons,” pahayag ni Bishop Baylon sa panayam ng Radio Veritas.

Magugunitang nanawagan na rin ang Obispo noong 2020 kaugnay sa quarrying kung saan kanyang iminungkahing isagawa na lamang ito sa gullies o mga kanal sa paligid ng Bulkang Mayon dahil ito ang likas na dinadaluyan ng tubig at lahar.

Paliwanag ni Bishop Baylon na hindi masama ang quarrying kung nasusunod lamang nang wasto ang mga mahahalagang panuntunan sa pagsasagawa nito.

“Hindi po masama ang pag-quarry, kasi kailangan natin ang mga aggregates para sa paggawa ng mga kalsada, bahay, at iba pa. Kaya lang dapat sa tamang lugar mag-quarry at hindi ‘yung kahit saan lang naisin ng nagku-quarry,” ayon kay Bishop Baylon.

Taong 2020 nang manalasa ang Super Typhoon Rolly at nag-iwan ng matinding pinsala kung saan nabaon sa pinaghalong lahar at malalaking bato mula sa Mayon Volcano ang nasa 300 tahanan sa bayan ng Guinobatan, Albay.

Kaugnay nito, patuloy din ang panawagan upang tuluyang mapahinto ang quarrying operation sa bahagi ng Masungi Georeserve at Upper Marikina Watershed sa Rizal.

Kabilang sa mga nagpahayag ng suporta at lumagda sa sama-samang panawagan ang mga alkalde ng National Capital Region na sina Quezon City Mayor Joy Belmonte, Pasig City Mayor Vico Sotto, Marikina City Mayor Marcelino Teodoro, at Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi.

Mariing isinusulong ang pagpapatigil sa ilegal na gawain dahil sa pinsalang dulot nito sa kalikasan at buhay ng malalapit na komunidad na maaari pang lumala kapag dumating ang mga sakuna.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 84,135 total reads

 84,135 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 118,309 total reads

 118,309 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 153,609 total reads

 153,609 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 379,878 total reads

 379,878 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 268,817 total reads

 268,817 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 155,325 total reads

 155,325 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top