Labor groups, hati sa 1k wage increase ng mga kasambahay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 814 total views

Itinuturing ng Federation of Free Workers (FFW) na biyaya ang pag-apruba ng National Capital Region (NCR) Tripartite Wages and Regulatory and Productivity Board sa 1-libong pisong umento kada buwan sa sahod ng mga kasambahay sa Metro Manila.

Ayon kay Sonny Matula – Pangulo ng FFW, higit nitong matutulungan ang mga kasambahay at kanilang pamilya na makasabay sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Kaugnay, nanawagan ang FFW sa mga employers sa NCR na iparehistro ang mga kasambahay sa kanilang mga baranggay alinsunod sa mga nakapaloob na kautusan sa Republic Act 10361 o kasambahay law.

Ito ay upang mapaigting ng pamahalaan ang pagbabantay at pagtitiyak na natatanggap ng mga kasambahay ang tamang halaga ng suweldo mula sa kanilang mga employers.

“Ayon sa Department of Interior and Local Government (DILG) mayroon lamang 3,359 out of the more than 42,000 villages nationwide had registered their kasambahay, an indication of non-compliance, Nabatid ng DILG -National Barangay Operations Office (NBOO) na 32,902 kasambahay angj nakarehistro sa buong bansa kung saan 28,149 na barangay ang nagtatag ng kanilang Kasambahay Desk at 28,074 na barangay na may itinalagang Kasambahay Desk Officer, noong Hunyo 7, 2022,” ayon sa ipinadalang mensahe ni Matula sa Radio Veritas.

Dismayado naman si Atty.Luke Espiritu – Pangulo ng Bukluran ng mga Manggagawang Pilipino (BMP) sa umento.

Ayon kay Espiritu, kulang ang wage hike kumpara sa paggugol ng mga kasambahay ng lahat ng kanilang oras sa kanilang mga employers at halos hindi na umuuwi sa kanilang sariling pamilya.

“Ang mga kasambahay ay stay-in, on-call, kung saan ang 24 oras araw araw ay di nila oras kundi oras ng amo. They are modern slaves. Walang taas sweldo ang tatapat sa kanilang ginagampanan. Kulang pa rin yan,” ayon sa ipinadalang mensahe sa Radio Veritas ni Espiritu.

Mula sa 5-libong pisong minimum na suweldo ng mga kasambahay ay magiging 6-libo ito 15-araw matapos isapubliko ang kautusan.

Una ng naging panawagan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa pamahalaan ang pagpapatupad ng mga polisiya at programang tutulungan ang mga manggagawa mula sa ibat-ibang sektor na lubha ng naapektuhan ng krisis na dulot ng COVID-19 pandemic

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 113,235 total views

 113,235 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 156,843 total views

 156,843 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 238,483 total views

 238,483 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 246,113 total views

 246,113 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top