Gawing ehemplo ang kabanal-banalang puso ni Hesus, panawagan ni Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 674 total reads

Patuloy na gawing ehemplo ang kabanal-banalang puso ng Panginoong Hesus Kristo.

Ito ang pagninilay ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa kaniyang pangunguna sa misa ng kapistahan ng Sacred Heart Parish, Sta. Mesa, Manila.

Umaasa si Cardinal Advincula na laging alalahanin ng bawat mananampalataya na naging daan ang pag-aalay ni Hesus ng buhay upang manumbalik ang koneksyon ng Panginoong Diyos sa sangkatauhan.

“Ang buwag na biyayang hiling natin sa kaniya ay maihulma niya ang ating puso sa wangis ng kaniyang puso, sa udyok ng Santo Papa, Papa Francisco na bigyang tuon at isabuhay ang synodality sa simbahan o ang sama-samang paglalakbay ng bayan ng Diyos patungo sa kaniyang kaharian makakatulong na pagmunihan ang mga katangian at layon ng banal na puso ni Hesus.” pagninilay ni Cardinal Advincula

Tinukoy nito ang sugatan at duguang puso ni Hesus na nababalot ng koronang tinik sa mga imahen ng ‘Sacred Heart’ ay simbolo ng kaniyang patuloy na pagmamahal sa tao sa kabila ng mga natanggap na pagtataksil at pagtatakwil.

Habang sinisombolo naman ng nagliliyab na puso ni Hesus ay ang tanda ng kaniyang walang kapaguran na pagnanais na makapagturo at makatulong sa sanlibutan gamit ang salita ng Diyos.

“Iba ang matematika ng tunay na pagmamahal ni Hesus, hindi nababawasan kungdi mas umiigting ang pagibig niya sa atin sa mga pagkakataong tayo ay nawawala, malalayo, nanghihina at napipilayan kapag naman tayo ay matagpuan siyay nagdiriwang at inilalagay tayo sa kaniyang balikat upang muling mahagkan at muling ilapit sa kaniyang puso,” mensahe pa ng Arsobispo.

“Ito ang ika-106 na taon na pagdiriwang ng Sacred Heart Parish sa Santa Mesa Manila na itinatag noong 1911 bilang kauna-unahang simbahan na itinalaga para sa Banal na Puso ni Hesus sa Pilipinas.”

Sa susunod na taon ay gugunitain din ng parokya ang ika-120 taon ng pagdating sa Pilipinas ng imahen ng Sacred Heart of Jesus.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 53,022 total reads

 53,022 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 132,530 total reads

 132,530 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 165,975 total reads

 165,975 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 201,273 total reads

 201,273 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 425,687 total reads

 425,687 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top