Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

LASAC, magsasagawa ng DRRM training

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 711 total views

Ibinaba na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang alert status ng Taal Volcano mula Alert Level 2 sa Alert Level 1 nitong Lunes dahil sa patuloy na pagbaba ng aktibidad.

Patuloy naman ang Lipa Archdiocesan Social Action Commission sa pagbabantay at paghahanda kasabay ng patuloy na pagbuti ng kalagayan ng bulkang Taal.

Ayon kay LASAC Director Father Jayson Siapco, binabalak ng komisyon na magsagawa ng mga pagsasanay sa pagtugon sa mga sakuna bilang paghahanda hindi lamang sa kalagayan ng Taal Volcano kundi maging sa iba pang sakuna.

“We have actually made available our Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Manual approved by the board. Given the downgraded alert level, now is the perfect time to cascade and conduct DRRM training across all levels with the help of the parishes, academe and local government units,” ayon kay Fr. Siapco sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi ni Fr. Siapco na patuloy din ang pangangalap ng tulong at donasyon ng LASAC, gayundin ang pagsubaybay sa mga proyekto para sa mga nakaligtas na biktima ng pagliligalig ng bulkang Taal.

Kabilang sa mga programa ng LASAC ay ang pagpapatayo ng mga bagong tahanan para sa mga nagsilikas na residente mula sa Taal Volcano Island matapos itong gawing Permanent Danger Zone.

“LASAC and Archdiocese [of Lipa] continues to be ready in any eventual eruptions that may happen…Hindi pa kami tapos at hindi pa tumitigil. May mga rehabilitation plans pa for implementation sa mga relocated survivors,” ayon sa pari.

Magugunitang itinaas sa Alert Level 2 ang Taal Volcano noong Marso 26, 2022 kasunod ng naganap na phreatic eruption.

Nauna rito ay itinaas sa alert level 4 ang bulkan noong Enero 12, 2020 matapos din ang phreatic eruption na nagdulot ng ashfall na umabot hanggang Metro Manila at Bulacan.

Babala naman ng Phivolcs sa publiko na patuloy pa ring maging maingat bagamat nasa alert level 1 status na ang bulkan, dahil posible pa ring maganap ang biglaang pagsabog nito anumang oras.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

APAT NA DEKADA

 60,807 total views

 60,807 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 128,295 total views

 128,295 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 149,360 total views

 149,360 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 170,764 total views

 170,764 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 203,303 total views

 203,303 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top