Teachers Dignity Coalition, hiniling sa DepEd na iurong sa Setyembre ang pagbubukas ng klase

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 63,480 total views

Umapela ang Teachers’ Dignity Coalition sa inilatag na school calendar sa papasok na taong-panuruan ng Department of Education sa ilalim ng bagong administrasyon.

Ayon kay TDC chairperson Benjo Basas, ang planong pagbubukas ng klase sa August 22 ay hindi sapat para magkaroon ng pahinga ang mga guro mula sa katatapos lang na school-year.

Paliwanag ni Basas, marami pa ring ginagampanan ang mga guro sa kasalukuyan tulad ng tatlong linggong remedial at enrichment classes, paghahanda sa Brigada Eskuwela, at maging ang Oplan Balik-eskuwela.

Nagtapos ang school year 2021-2022 noong June 24.

Nanindigan ang TDC na bahagi ng karapatan ng mga guro ang dalawang buwang school break bago magsimula ang panibagong school-year.

“Itong hinihingi po naming extension ay hindi lang naman ‘to gusto naming hingiin dahil tinatamad kami kundi dahil po– well this is a matter of right– karapatan po namin na mabigyan po ng [school] break na at least in between two academic years meron po kaming at least 60 days dapat,” paliwanag ni Basas.

Ayon sa Department Order No. 34 ng DepEd, magsisimula ang S.Y. 2022-2023 sa August 22 ngayong taon at magtatapos sa July 7, 2023.

Panawagan ni Basas kay DepEd Secretary at Vice President Sara Duterte na iurong na lamang sa kalagitnaan ng September ang pagbubukas ng klase.

“Kami nga po okay na kami sa mid-September and historically nu’ng 2020 ay October nga tayo nagbukas ng klase [at ] nu’ng 2021 naman September 13. Bakit pa natin ito mamadaliin, lalo na ngayon kasi mas matindi po ‘yung pangangailangan po na preparation,” ani TDC chairperson.

Bukod sa hiling na bakasyon at sapat na oras para makapaghanda ang mga guro ‘mentally, physically, at emotionally,’ ipinaliwanag ng grupo ng mga guro na kinakailangan din ng paghahanda sa classroom management, transportation system, at vaccination status ng mga mag-aaral at mga guro bago magsimula ang full face-to-face classes.

Umaasa si Basas na magkaroon ng pulong sa pagitan ng mga guro at DepEd upang maipabatid ang kahilingan ng guro at maging ang mga mag-aaral.

Ayon sa guidelines ng Department Order No. 34, hanggang October 31 maaring isagawa ng paaralan ang blended learning modality na may 3 araw na in-person classes at 2 araw na virtual classes.

Itinakda naman ng DepEd na ang lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa November 2 ay kinakailangan nang magkaroon ng limang araw na in-person classes kada linggo, maliban na lamang sa paaralang magpapatupad ng “alternative delivery modes. | with News Intern – Chris Agustin

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bantay ng bayan

 33,673 total views

 33,673 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 118,432 total views

 118,432 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 135,977 total views

 135,977 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Walang natural disaster

 180,888 total views

 180,888 total views Mga Kapanalig, tila hindi na pangkaraniwan ang init na ating nararanasan sa mga panahong ito!  Sa mga nagdaang linggo, ramdam na ramdam ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 36,367 total views

 36,367 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 245,654 total views

 245,654 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top