Obispo, nanawagan ng nagkakaisang pangangalaga sa VIP

SHARE THE TRUTH

 523 total views

Muling hinimok ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pamahalaan at mamamayang Pilipino na pangalagaan ang Verde Island Passage (VIP) laban sa panganib ng fossil fuel industry.

Ito’y kasunod ng binabalak na pagpapalawig sa liquified natural gas (LNG) terminal mula sa lalawigan ng Batangas patungo sa V-I-P.

Ayon kay San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, vice chairman ng CBCP – Social Action Ministry na hindi dapat pahintulutan ang proyekto dahil magdudulot lamang ito ng pinsala sa kalikasan at hanapbuhay ng maraming maliliit na mangingisda.

Pinangangambahan ng Obispo na mangyari ang oil spill na lubhang makakaapekto sa mga yamang-dagat na matatagpuan sa VIP.

“Pinaka-centerpiece ng mundo ang VIP sa mga unique na mga coral species at marine life. Kapag magkaroon ng traffic doon ng mga ships na mag-deliver ng LNG, talagang hindi maiiwasan ‘yung mga oil spill. It will affect the environment at ang unang maapektuhan noon ay ang mga fisherfolks,” pahayag ni Bishop Alminaza sa panayam ng Radio Veritas.

Panawagan naman ni Bishop Alminaza sa mga kapwa Obispo na magtulung-tulong upang mapigilan ang pagtatayo ng LNG plant sa bansa at maitaguyod ang patuloy na pangangalaga sa kalikasan lalo na sa mga pinakakaingatang yamang-dagat.

Ang VIP ang tinaguriang “most biodiverse marine habitat” sa buong mundo dahil dito nagmumula ang nasa halos 60-porsyento ng shore fish species sa mundo.

Mayroon itong sukat na 1.14-milyong ektaryang nakapaloob sa Mindoro-Calavite-Tablas triangle na saklaw ng mga lalawigan ng Batangas, Marinduque, Occidental at Oriental Mindoro, at Romblon.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE 2025

 82,829 total views

 82,829 total views Mga Kapanalig, katatapos lang ng midterm national and local elections pero may pang isang halalan sa taóng ito. Isasagawa sa Disyembre ang Barangay

Read More »

Anong pinagtataguan mo?

 93,833 total views

 93,833 total views Mga Kapanalig, gaano kalayo ang kayang takbuhin ng isang tao para makaiwas sa pananagutan? Sa kaso ng dating tagapagsalita ni dating Pangulong Duterte

Read More »

To serve and protect

 101,638 total views

 101,638 total views Mga Kapanalig, para sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang mga awtoridad ay obligadong ipatupad ang batas alinsunod sa kung ano

Read More »

TOO MUCH GENERAL EDUCATION

 114,782 total views

 114,782 total views Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig? Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi

Read More »

AUGUST CHAMBER

 126,091 total views

 126,091 total views The Filipino people have the right to know the truth! Noong 1916, itinatag ang tinaguriang AUGUST chamber o Senate of the Philippines. Nagsilbi

Read More »

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top