Mamamayan ng Romblon, hinimok ni Bishop Abellana na protektahan ang kalikasan

SHARE THE TRUTH

 640 total views

Hinimok ni Romblon Bishop Narciso Abellana ang mga mananampalataya ng lalawigan ng Romblon na isabuhay ang pagpapahalaga sa inang kalikasan.

Ito ang bahagi ng pagninilay ng Obispo kaugnay sa panawagang pigilan ang operasyon ng pagmimina sa Sibuyan Island.

Ayon kay Bishop Abellana, dapat pag-isipang mabuti ng bawat isa ang mga desisyon hinggil sa pagmimina at huwag nang hintayin pang dumating at maranasan ang magiging epekto nito sa paglipas ng panahon.

“Siguro kung titingnan natin sa tema ng pagmimina, kung darating itong epekto na hindi maganda, ito’y dahil hindi tayo nakinig, hindi tayo nagsisisi. Pakinggan natin kung ano ang sigaw ng ating budhi, ng ating konsensiya,” ayon kay Bishop Abellana.

Binigyang-diin ng Obispo na kaakibat ng pangangalaga sa mga likas na yamang likha ng Diyos ay ang pangangalaga rin sa buhay ng tao.

Sapagkat, kung patuloy na aabusuhin ang mga likas na yaman, ang polusyong magmumula rito ay magdudulot din ng panganib sa buhay at kalusugan ng tao.

“Ang ginawa ng Diyos ay para sa ikabubuti ng tao para sa ating ikabubuhay. Kung taliwas nito ang mangyayari, dapat din nating tutulan…Ang kaugnayan n’yan sa atin ay magkakaroon tayo ng mga sakit,” saad ni Bishop Abellana.

Nabanggit naman ni Bishop Abellana na ang kumpanyang may hawak sa operasyon ng pagmimina sa Sibuyan Island ay may kaugnayan sa malalaking korporasyon na nagdulot na ng matinding pinsala sa likas na yaman ng bansa.

Sinabi ng Obispo na batay sa kanilang pagsasaliksik, ang Altai Philippines Mining Corporation (APMC) na responsable sa pagmimina sa isla ng Sibuyan ay may kaugnayan sa Marinduque Mining at Nonoc Mining and Industrial Corporation.

Ang dalawang kumpanya ang nagbunsod sa maituturing na “golden era” ng pagmimina sa lalawigan ng Marinduque at sa Nonoc Island sa Surigao del Norte noong taong 1975 hanggang 1982.

Ngunit nang matapos na ang pagmimina ay nag-iwan ito nang matinding suliranin sa kalikasan at magpahanggang ngayon ay nagpapahirap sa mga apektadong residente.

Ito ang higit na pinangangambahang mangyari ni Bishop Abellana para sa Sibuyan Island kaya’t mariin nitong tinututulan ang pagpasok ng pagmimina sa isla.

“Para sa akin ang lahat ng bagay ay bigay ng Diyos upang ating gamitin. Pero kung ito ay gagamitin upang patayin lang tayo, hindi na yata tama ‘yon,” giit ng Obispo.

Batay sa mga ulat, nagsimula na muli ang operasyon ng APMC sa Sibuyan Island at nagsasagawa rin ng pag-iikot sa mga pamayanan upang hikayatin ang mga residente hinggil sa mga benepisyong makukuha sa pagmimina.

Ang isla ng Sibuyan ay itinuturing bilang “Galapagos of Asia” dahil sa pananatili nitong nakahiwalay sa anumang bahagi ng Philippine Archipelago at nagsisilbing tahanan para sa iba’t ibang uri ng hayop at halaman.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 47,142 total views

 47,142 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 52,560 total views

 52,560 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 59,267 total views

 59,267 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 74,060 total views

 74,060 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 80,216 total views

 80,216 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Michael Añonuevo

Makibahagi sa misyon ni kristo, hamon ng pari sa mananampalataya

 705 total views

 705 total views Hinamon ng rektor at kura paroko ng Diocesan Shrine and Parish of San Isidro Labrador sa Pulilan, Bulacan ang mga mananampalataya na makibahagi sa misyon ni Kristo. Ito ang paanyaya ni Fr. Dario Cabral sa bawat isa kasabay ng pagdiriwang sa kapistahan ng patron ng mga magsasaka na si San Isidro Labrador at

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Pagpapabilis sa proseso ng mining permits, tinututulan ng ATM

 4,039 total views

 4,039 total views Tinututulan ng Alyansa Tigil Mina ang plano ng Department of Environment and Natural Resources na pabilisin ang proseso sa pagbibigay ng mining permits. Ito’y matapos na i-anunsyo ni DENR Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga na gawing tatlong taon mula sa anim na taon ang proseso sa mining permits para sa pagpapatupad ng digitalization sa

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Katotohanan sa pamamahayag, kinakailangan sa paglaban sa climate change

 5,222 total views

 5,222 total views Pinuri ng Climate Change Commission (CCC) ang kahalagahan ng epektibo at responsableng pamamahayag sa gitna ng kinakaharap na pagsubok sanhi ng pagkasira ng kalikasan at nararanasang krisis sa klima. Ayon kay CCC vice chairperson and executive director Robert E.A. Borje, sinisikap ng mga journalist o mamamahayag na palakasin ang tinig ng mga sektor

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Supreme Court, pinuri ng Caritas Philippines

 5,247 total views

 5,247 total views Suportado ng development at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang desisyon ng Supreme Court na ang red-tagging ay isang banta sa karapatan ng mga Pilipino. Ayon kay Caritas Philippines’ president, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, maituturing ang desisyon ng Korte Suprema na malaking pagbabago para sa mga tagapagtanggol ng

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Pagsagip sa Danajon Bank double barrier reef, panawagan ng Obispo ng Tagbilaran

 5,545 total views

 5,545 total views Umapela ang Diyosesis ng Tagbilaran sa mamamayan at mga lokal na opisyal ng Bohol upang iligtas sa mapaminsalang pag-unlad ang Danajon Bank Double Barrier Reef. Ayon kay Bishop Alberto Uy, tungkulin ng bawat isa na isaalang-alang ang pangangalaga sa mga itinuturing na mahalagang kayamanan ng bansa upang mapanatili ang likas na ganda at

Read More »
Economics
Michael Añonuevo

Mamamayan, hinamong supilin ang kultura ng takot na umiiral sa bansa

 5,553 total views

 5,553 total views Nalulutas lamang ang isang suliraning panlipunan kapag ang lahat ay kumikilos at nakikibahagi. Ito ang binigyang-diin ni running priest Fr. Robert Reyes hinggil sa pag-iral ng kultura ng takot sa lipunan dulot ng war on drugs ng nakaraang administrasyon. Ayon kay Fr. Reyes, ang pagtugon ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa

Read More »
Latest News
Michael Añonuevo

Ipagdasal ang mga bumbero, panawagan ng MOP sa mananampalataya

 5,904 total views

 5,904 total views Hinikayat ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio ang patuloy na pananalangin para sa kaligtasan ng mga bumbero. Ayon kay Bishop Florencio, malaking tulong ang pagkakaroon ng espiritwal na paggabay sa mga bumbero lalo na’t hindi biro ang kanilang misyong pigilan ang pinsala ng sunog at magligtas ng maraming buhay.

Read More »
Latest News
Michael Añonuevo

Cardinal Advincula may hamon sa BFP

 6,056 total views

 6,056 total views Manindigan at matapang na harapin ang pagsubok tulad ni San Floriano. Ito ang hamon ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa mga kawani ng Bureau of Fire Protection sa Banal na Misa para sa Kapistahan ni San Floriano sa BFP National Headquarters sa Quezon City. Ayon kay Cardinal Advincula, ang pagsasakripisyo at paninindigan

Read More »
Latest News
Michael Añonuevo

Maging kasangkapan ng pag-asa at pagbabago, panawagan ng simbahan sa mamamayan

 6,731 total views

 6,731 total views Hinihikayat ng simbahan ang mga mananampalataya na maging kasangkapan ng pag-asa at pagbabago sa pagdiriwang ng Laudato Si’ Week ngayong taon. Kasabay ng pagdiriwang sa Linggo ng Pentekostes ay muling pangungunahan ng Laudato Si’ Movement, sa tulong ng Vatican Dicastery for Promoting Integral Human Development, ang pagdiriwang sa Laudato Si’ Week mula May

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Archdiocese of Cebu, nakiisa sa pananalangin ng ulan

 7,829 total views

 7,829 total views Maliban sa english at tagalog version, isinalin din sa Cebuano ang inilabas na Oratio Imperata Ad Petendam Pluviam ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines para sa pagkakaroon ng ulan sa gitna ng tagtuyot. Nakikiisa ang Archdiocese of Cebu sa panawagan ng CBCP-Episcopal Commission on Liturgy sa sama-samang pananalangin upang magkaroon ng ulan

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

CBCP, nanawagan ng pag-usal ng Oratio Imperata

 7,938 total views

 7,938 total views Dulot na rin ng patuloy na nararanasang init ng panahon, hinimok ng Catholic Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pag-usal ng Oratio Imperata upang hingin ang pagkakakaroon ng ulan. Ang Oratio Imperata Ad Petendam Pluviam ay paanyaya para sa sama-samang pananalangin upang magkaroon ng ulan at maibsan ang matinding init dulot ng

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Diocese ng Imus magsasagawa ng Oratio Imperata laban sa El Niño

 5,519 total views

 5,519 total views Hinikayat ng Diocese of Imus ang mga mananampalataya na taimtim na manalangin laban sa lumalalang init ng panahon dulot ng El Niño Phenomenon. Sa liham sirkular, ipinag-utos ni Imus Bishop Reynaldo Evangelista ang pag-usal ng Oratio Imperata sa mga Banal na pagdiriwang sa mga parokya at pamayanan, at hilingin ang pagkakaroon ng ulan

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Manggagawa: Naway maging kasangkapan sa pangangalaga ng mundo

 4,772 total views

 4,772 total views Hinimok ni San Jose, Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari ang mga mananampalataya, lalo na ang mga manggagawa, na maging kasangkapan sa pagpapahalaga at pangangalaga sa lahat ng nilalang ng Diyos. Ayon kay Bishop Mallari, ipinapaalala ng Diyos sa lahat na ang bawat paggawa ay halimbawa ng pakikiisa sa kakayahang maglalang ng Maylikha. Ang

Read More »
Latest News
Michael Añonuevo

EJK memorial site, pormal ng binuksan

 6,494 total views

 6,494 total views Pinasinayaan ng Arnold Janssen Kalinga Foundation, Inc. ang kauna-unahang Extra-judicial killing (EJK) memorial site sa bansa na matatagpuan sa loob ng La Loma Catholic Cemetery, Caloocan City. Pinangunahan ni AJ Kalinga Foundation Inc. Founder at President, Fr. Flavie Villanueva, SVD at Diocese of Kalookan Vicar General Fr. Jerome Cruz ang pagpapasinaya at pagbabasbas

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Mamamayan, hinimok ng Obispo na ipagdasal ang pagkakaroon ng ulan

 7,068 total views

 7,068 total views Hinikayat ni Tagbilaran Bishop Abet Uy ang mga mananampalataya na manalangin para sa pagkakaroon ng ulan upang maibsan ang nararanasang matinding init ng kapaligiran. Ayon kay Bishop Uy, hindi lamang tao ang nagdurusa sa nararanasang matinding init ng panahon, kun’di maging ang mga hayop at halaman. Binigyang-diin ng obispo na hindi pagmamay-ari ng

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top