Ipatupad ang batas sa “renewable energy”, hamon ng CEED kay Pangulong Marcos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,833 total views

Hinihiling ng Center for Energy, Ecology, and Development sa bagong administrasyon na isulong ang renewable energy sa Pilipinas.

Ayon kay CEED Research, Policy and Law Program Head Attorney Avril de Torres, mahalagang bigyang pansin ng pamahalaan ang kahalagahan ng malinis at abot-kayang enerhiya lalo’t apektado ang bansa ng pagtaas sa presyo ng kuryente at produktong petrolyo na labis na nagpapahirap sa mamamayan.

“Majority pa rin po ng kuryenteng ginagamit natin galing sa fossil fuels ay mahigit 70 percent. Kapag sinabi po nating fossil fuels, ito po ay coal, natural or fossil gas or oil,” ayon kay de Torres sa panayam sa Barangay Simbayanan.

Naniniwala naman ang abogado na maraming posibilidad ang bansa para sa paggamit ng renewable energy na kinakailangang palawakin at paigtingin upang mas makilala at tangkilikin ng publiko.

Ang Pilipinas ay gumagamit ng renewable energy sources kabilang na ang hydropower, geothermal at solar energy, wind power at biomass resources.

Batay sa pagsusuri, nasa higit-200 gigawatts ng renewable energy ang hindi pa nagagamit ng Pilipinas na higit na makakatulong upang matugunan ang umiiral na krisis sa enerhiya ng bansa.

“Mayroon na tayong batas na renewable energy law, marami na tayong polisiya at mekanismo na pwede nating gamitin para isulong ang renewable energy if this is the matter of implementation,” saad ni de Torres.

Iminumungkahi naman ng CEED ang pagkakaroon nang maayos na Energy Transition Plan upang mas masuri ang maaari pang pagkunan ng renewable energy sa bansa, maging ang paghikayat sa mga energy distribution utilities na tangkilikin ito.

Kapag naisakatuparan ito, maaari nang maabot sa taong 2030 ang 50 mula sa 35 porsyentong plano ng bansa para sa pagkakaroon ng ligtas, malinis, at abot-kayang enerhiya.

Ayon sa International Renewable Energy Agency (IRENA), tinatayang aabot sa 7,617 megawatts (MW) ang renewable energy capacity ng Pilipinas noong 2021 kumpara sa 6,986 MW noong 2020.

Una nang iminungkahi ng Kanyang Kabanalan Francisco sa kanyang Laudato Si’ ang pagpapalawak sa paggamit ng renewable energy upang maibsan ang kakulangan sa kuryente, at mapalitan ang mga fossil fuels na nagdudulot ng pagkasira sa kalikasan.(Michael)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 31,018 total views

 31,018 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 105,632 total views

 105,632 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 185,711 total views

 185,711 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 228,850 total views

 228,850 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 228,060 total views

 228,060 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top