Karahasan, kinundena ng Obispo ng Basilan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 696 total reads

Iginiit ng Prelatura ng Isabela de Basilan na walang puwang sa lipunan ang anumang uri ng karahasan.

Ikinalulungkot ni Bishop Leo Dalmao ang pagkakapaslang kay dating Lamitan City Mayor Rosita Furigay na aktibobg katuwang ng simbahan sa ‘peace building’ sa Basilan noong nanilbihang alkalde sa lugar.

Ayon sa obispo, dapat mangibabaw ang batas sa lipunan at makamtan ng mga biktima ang katarungan.

“We, at the Prelature of Isabela de basilan, find this violent attack disturbing and deplorable. Violence does not have a place in our Christian life and in society as a whole. We uphold the rule of law. We advocate the peaceful and just resolution of all forms of violence. We call for the swift and just resolution of this case,” bahagi ng pahayag ni Bishop Dalmao.

Sa nangyaring pamamaril sa Ateneo De Manila University noong ika – 24 ng Hulyo napaslang din ang executive assistant ni Furigay na si Victor George Capistrano, at Ateneo security officer Jeneven Bandiala habang nasugatan naman ang anak ng alkalde na si Hannah Rose Furigay.

Apela ni Bishop Dalmao sa mamamayan ng Basilan lalo na sa Lamitan na paigtingin ang pagkakaisa tungo sa isang mapayapang lipunan.

Dalangin ng obispo ang kapanatagan ng kalooban para sa pamilyang naulila, kaliwanagan ng isip para sa suspek na si Dr. Chao Tiao Yumol at ang lubusang paggaling ni Hannah Rose.

“I call for sobriety among the people of Lamitan and the rest of Basilan. Let not this incident put to waste the peace we have worked so long and hard for. Rather, let us use this incident to strive harder to live by God’s precepts,” ani Bishop Dalmao.

Ayon sa imbestigasyon ng Philippine National Police personal na hidwaan sa pagitan ni Yumol at Furigay ang dahilan sa pamamaslang makaraang sampahan ng kasong cyber-libel ng dating alkalde si Yumol bunsod ng mga alegasyong pagkakasangkot sa korapsyon at iligal na droga.
Kasalukuyang nakakulong si Yumol habang sinampahan ito ng kasong pagpatay.

Samantala, nagpaabot ng pakikiramay ang pamunuan ng Ateneo de Manila University sa pamilya ng mga nasawi, gayundin ang pagkondena sa naganap na karahasan.
Tiniyak din ng unibersidad ang higit pang paghihigpit ng seguridad sa paaralan kasunod ng insidente.

Nagpapasalamat din ang Ateneo sa mabilis na pagtugon ng pulisya at sa agarang pag-aresto sa suspek na si Dr. Chiao Tiao Yumul, gayundin ang pakikipagtulungan sa imbestigasyon na isinasagawa ng mga otoridad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 83,880 total reads

 83,880 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 118,072 total reads

 118,072 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 153,372 total reads

 153,372 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 379,641 total reads

 379,641 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 268,588 total reads

 268,588 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top