Simbahan sa Northern Luzon, nagsagawa ng rapid assessment sa pinsala ng lindol

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 804 total reads

Patuloy ang rapid assessment ng Diocese of Bangued kaugnay sa naganap na 7.3 magnitude earthquake sa lalawigan ng Abra kaninang umaga.

Ayon kay Bangued Diocesan Social Action Director Father Jeffrey Bueno, karamihan sa apektado ng malakas na pagyanig ay ang mga gumuhong gusali kabilang na ang ilang parokya.

Isa sa mga lubhang naapektuhan ng paglindol ay ang parokya ng Santa Catalina de Alejandria sa Tayum, Abra kung saan gumuho ang bahagi ng kampanaryo nito.

“Base doon sa mga information and reports na natanggap ko, mostly affected ang mga buildings lalo na yung ilang parokya. Karamihan din sa mga taong affected ay minor injuries lang,”pahayag ni Fr. Bueno sa panayam ng Radio Veritas.

Batay sa huling ulat ng Abra Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, isa na ang naitalang nasawi habang nasa 44 katao naman ang nagtamo ng sugat dahil sa naganap na paglindol.

Samantala, ibinahagi naman ni Fr. Bueno na nagkaroon ng pagpupulong ang mga social action directors ng mga diyosesis kasama si NASSA/Caritas Philippines National Director Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo hinggil sa pagtugon sa mga apektado ng paglindol lalo na sa mga diyosesis sa Northern Luzon.

Kasalukuyang nasa Caritas Philippines Academy sa Tagaytay City ang ilang social action directors upang sumailalim sa pagsasanay.

“We just had our short meeting with Bishop Bagaforo, and may mga initial instructions na binigay sa amin so we could help sa mga mostly affected,” ayon kay Fr. Bueno.

Hinimok naman ng simbahan ang bawat mananampalataya na patuloy na isama sa panalangin ang kaligtasan ng bawat isa mula sa panganib ng paglindol at iba pang pinsala.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 31,312 total reads

 31,312 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 62,584 total reads

 62,584 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 140,539 total reads

 140,539 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 234,766 total reads

 234,766 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 294,125 total reads

 294,125 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 72,342 total reads

 72,342 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top