Mamamayan, binalaan ng Diocese of Kalookan sa umiikot na pekeng lingkod ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 608 total views

Binabalaan ng Diocese of Kalookan ang mamamayan laban sa mga nagpapanggap na lingkod ng Simbahan na ginagamit ang pangalan ng diyosesis at ng Simbahang Katolika upang makapanglinlang.

Sa pamamagitan ng isang Facebook post ay ibinahagi ng diyosesis ang larawan ng isang lalaki na nagpapakilalang John Michael Castillo na isang seminarista at umiikot sa diyosesis upang humingi ng donasyon o tulong pinansyal para sa kanyang nalalapit na ordinasyon.

Nilinaw ng Diyosesis ng Kalookan na hindi seminarista at hindi kandidato sa ordinasyon ng pagpapari sa diyosesis ang lalake at wala rin itong kaugnayan sa sinumang pari at Obispo.

“Ang lalaki na nasa larawan ay kasalukuyang umiikot sa komunidad ng ating Diyosesis at nagpapakilalang si John Michael Castillo. Siya ay nagpapakilala bilang isang seminarista at humihingi ng donasyon o tulong pinansyal para sa kanyang nalalapit na ordinasyon. Nais po naming ipagbigay alam sa publiko na ang lalaki na ito ay hindi seminarista ng ating Diyosesis at hindi kandidato sa ordinasyon ng pagpapari. Siya ay hindi konektado sa Obispo o sino mang kaparian ng ating Diyosesis,” ang bahagi ng babala ng Diyosesis ng Kalookan.

Pinayuhan ng Diyosesis ng Kalookan ang mga mananampalataya na maging alerto sa mga hindi kanaisnais at kaduda-dudang indibidwal at hingan ito ng katibayan ng pagkakakilanlan o kaya tumawag sa Chancery Office sa numerong 8461-5051.

Kaugnay nito patuloy na pinapaalalahanan ng Simbahang Katolika ang mananampalataya na mag-ingat laban sa mga mapagsamantalang indibidwal o grupo na ginagamit ang pangalan ng Simbahan, kongregasyon, cardinal, obispo, pari, madre at iba pang lingkod ng Simbahan upang makapanglinlang at makapangalap ng donasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 43,971 total views

 43,971 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 87,579 total views

 87,579 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 171,206 total views

 171,206 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 185,093 total views

 185,093 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top