Panunumbalik ng sigla sa bawat parokya, inaasahang resulta ng PCNE 8

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 928 total reads

Naging makabuluhan ang isinagawang 2-day conference ng ikawalong Philippine Conference on New Evangelization sa San Carlos Seminary Auditorium sa Makati City.

Pinangunahan ni San Pablo, Laguna Bishop Buenaventura Famadico ang banal na Misa bilang pagtatapos ng dalawang araw na pagpupulong at talakayan.

Sa pagninilay, sinabi ni Bishop Famadico, dating chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Clergy na may mga pagkakataong hindi natutupad ng tao ang kanyang mga gustong plano sa buhay.

Ipinaliwanag ng Obispo na marahil ito’y pagsubok lamang na ipinagkaloob ng Diyos bilang paghahanda sa kanyang mas magandang plano sa buhay ng tao.

“It is in that moment when we realize we are no longer the ones running things that we start to acknowledge but it is God who is now working,” bahagi ng pagninilay ni Bishop Famadico.

Tema ng pagpupulong ang “Transforming Parishes 2022” na layong suriin ang iba’t ibang pagsubok na kinakaharap ng simbahan lalo nitong nakalipas na dalawang taon ng pandemya.

Batid na naging mahirap ang pinagdaanan ng mga parokya nitong pandemya kung saan naging pagsubok ang pagpapalaganap ng mabuting balita ng Panginoon.

Ayon naman kay PCNE Director Father Jayson Laguerta, nawa’y makatulong ang naganap na 2-day conference upang muling maibalik ang sigla sa bawat parokya at komunidad, at maging handa muli ang mga mananampalataya na tanggapin ang mga salita ng Diyos bilang gabay sa buhay.

“Nakita naman ng mga pari na kailangan talaga ng Evangelization o ng pagpapahayag ng salita ng Diyos, ng mabuting balita. Kaya kahit man may pandemya o wala, kailangan pa rin ‘yung misyon ng simbahan ay ipagpatuloy at nangyayari ‘yan kapag tayo ay nag-aanyaya, nagbubukas ng sarili sa mga tao, hindi lang sa loob ng simbahan kung hindi pati na rin sa labas,” ayon kay Fr. Laguerta sa panayam ng Radio Veritas.

Ang two-day conference ng PCNE 8 ay dinaluhan ng halos-500 indibidwal na binubuo ng mga obispo, pari at relihiyoso mula sa iba’t ibang diyosesis na pangunahing tagapagtaguyod sa mahigit tatlong libong parokya sa bansa at sa mga komunidad.

Inorganisa ito ng Office for the Promotion of the New Evangelization ng Archdiocese of Manila sa pakikipagtulungan ng CBCP – Episcopal Commission on Mission at Clergy, Alpha Asia Pacific – Catholic Context, at Divine Renovation Ministry.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 72,094 total reads

 72,094 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 107,320 total reads

 107,320 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 142,620 total reads

 142,620 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 368,889 total reads

 368,889 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 258,323 total reads

 258,323 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 154,920 total reads

 154,920 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top