Pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan ni FVR, kinilala ni Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 848 total reads

Nakiramay ang Archdiocese of Manila sa pamilya ni dating Pangulong Fidel V. Ramos na pumanaw noong July 31.

Ayon kay Jose Cardinal Advincula, magandang alalahanin ang mabubuting halimbawa na ipinamalas ng administrasyong Ramos sa paglilingkod sa mga Pilipino.

Tinuran ng arsobispo ang pagtaguyod ng dating pangulo sa pagpapanatili ng kapayapaan sa bansa at maayos na pamayanan.

“The Archdiocese of Manila expresses deep sorrow at the passing of former President Fidel V. Ramos and extends condolences to his beloved family. Recalling his service to the peace, freedom and prosperity of the Filipino people, we humbly commend his soul to the Almighty and merciful God. His life was marked by love of country and an all-embracing commitment to justice and peace,” pahayag ni Cardinal Advincula sa panayam ng Radio Veritas.

Kinilala ni Cardinal Advincula ang kababaang loob at buong suporta na ipinakita ni dating Pangulong Ramos nang bumisita sa Pilipinas si Pope St. John Paul II noong 1995 para sa pagdiriwang ng World Youth Day.

“The success of the Tenth World Youth Day held in Manila can be attributed to his zeal and magnanimity in going through the details of the preparations himself,” ani ng Cardinal.

Ayon naman kay 1987 Constitutional framer at Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. isa sa magandang legacy na iniwan ni Ramos sa bansa ang pakikiisa sa sambayanang Pilipino sa mapayapang EDSA People Power Revolution laban sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Tiniyak ni Cardinal Advincula ang panalangin para sa kapayapaan ng kaluluwa ng dating punong ehekutibo ng bansa.

“As a grateful nation, the former President will be well remembered in our prayers,” saad ni Cardinal Advincula.

Naunang nagpaabot ng panalangin at pakikiramay ang Military Ordinariate of the Philippines sa pamilya Ramos.

Read: https://www.veritasph.net/mop-nagpaabot-ng-pagbati-at-panalangin-sa-bagong-afp-chief-of-staff/

Tinagurian naman ng Philippine Ecumenical Peace Platform si FVR na “Outstanding Statesman for Peace”.

Read: https://www.veritasph.net/outstanding-statesman-for-peace/

Si Ramos ang ika – 12 ng pangulo ng Pilipinas na naglingkod mula 1992 hanggang 1998.

Sumakabilang buhay ang dating pangulo dahil sa komplikasyong dulot ng coronavirus disease.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 24,123 total reads

 24,123 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 45,423 total reads

 45,423 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 82,800 total reads

 82,800 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 114,068 total reads

 114,068 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 188,356 total reads

 188,356 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 280,334 total reads

 280,334 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 24,124 total reads

 24,124 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »
Scroll to Top