Learning poverty, inaasahan ng CEAP na matugunan ngayong school year

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

Dala ng bagong taon ang bagong pagasa sa sektor ng edukasyon.

Ito ang mensahe ni Father Nolan Que – Catholic Education Association of the Philippines (CEAP) National Capital Region Trustee para sa mga guro, mag-aaral at kawani ng paaralan na bahagi ng education sector sa nalalapit na pagsisimula ng School Year 2022-2023 sa August 22.

Ayon sa Pari, nawa ay gamitin ng bawat isang kabilang sa sektor ang bagong taon upang matugunan ang mga suliranin sa edukasyon katulad ng ‘Learning Poverty’ at patuloy na pagbaba ng Pilipinas sa talaan ng international ranking sa education sector.

“A new atmosphere and learning environment is emerging for administrators, teachers, and learners. Let us see these as opportunities to address the poverty of learning in our country as shown in the standardized test results and international rankings which always place our country at the bottom list,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Father Que sa Radio Veritas.

Pangako din ng Pari ang pagpapatuloy ng ebanghelisasyon ng mga katolikong paaralan at institusyon sa mga kabataan upang maging sentro ng edukasyon at pananampalataya ang Panginoong Hesus.

Pananalangin ni Father Que ang paggabay ng banal na Espiritu Santo sa bawat isa upang makagawa ng mga desisyon na naayon sa pangangailangan mga mag-aaral at bawat isang kabilang sa sektor.

“Let us pray: Almighty Father, source of all wisdom, we bless your name, we ask for your forgiveness from our faulty decisions last academic year, open our hearts to change our ways for better, teach us how to love generously our students and one another, and give us the grace of enough strength to persevere with the mission You have entrusted to us, send us to Your vineyard, so that at the return of our Master, He may found us worthy to enter the eternal kingdom prepared for us, we ask all of this in the sweet and mighty name of Jesus, through the power of the Holy Spirit, with Mary – Seat of Wisdom. Amen,” ayon sa panalangin ni Father Que na iniaalay para sa susunod na taon ng pag-aaral.

Sa kasalukuyan ay nagsimula na ang klase sa ilang pribadong paaralan.

Sa opisyal pagsisimula ng klase sa parehong mga pampribado at pampublikong paaralan sa August 22 alinsunod sa abiso ng Department of Education (DepEd) ay iiral ang hybrid learning system kung saan ipapatupad ang Limited Face to Face Classes, Online Classes at Modular Learning.

Sa November 02 2022 ay kinakailangan ng sundin ng lahat ng sektor ang pag-iral ng Face to Face Classes sa 100% kapasidad sa lahat ng paaralan alinsuod sa sa DepEd Department Order No.34.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Krisis sa bukid at laot

Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng mga mamamayan.

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa Barangay Batasan

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas kundi isang

Read More »

Patibong ng kasamaan

Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay nagkukunwaring anghel

Read More »

Anyare sa ICI?

Mga Kapanalig, mahigit anim na buwan mula nang itatag ang Independent Commission for Infrastructure (o ICI), inanunsyo na ang pagbuwag nito sa darating na Martes,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top