DepEd, suportado ng TDC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 597 total reads

Tiniyak ng Teachers Dignity Coalition (TDC) ang patuloy na pakikiisa sa Department of Education (DepEd) sa mga inisyatibo ng paghahanda para sa school year 2022-2023 na magsisimula sa August 22.

Ayon kay Benjo Basas, chairperson ng TDC suportado nila ang Brigada Eskwela na isinasagawa sa halos lahat ng pampublikong paaralan sa kasalukuyan at Oplan Balik Eskwela (OBE)na ngayong araw ng August 15 nagsimula.

“Nakikiisa kami sa DepEd sa layunin nitong maisaayos ang mga paaralan sa pagbubukas ng klase. Kaya naman suportado namin ang Brigada Eskwela at maging itong Oplan Balik Eskwela,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Basas sa Radio Veritas.

Ipinaliwanag ni Basas na kahanay ang mga inisyatibo sa mga panawagan ng TDC na pahabain ang bakasyon bago magsimula ang susunod na taon ng pag-aaral hanggang September 12.

Ito ay upang magkaroon ng sapat na panahon ang mga guro upang higit na paghandaan ang nalalapit na pagbubukas ng mga paaralan na paiiralin ang hybrid learning systems ng Limited Face to Face Classes, Online classes at modular learning.

Pagsapit ng Nobyembre, sa bisa ng DepEd Department Order No.34 ay ipapatupad ang 100%-kapasidad sa lahat ng pribado at pampublikong paaralan.

Ang Brigada Eskwela ay inisyatibo ng kagawaran kung saan isinasagawa ang pagkukumpuni o pagsasaayos ng mga pasilidad habang ang OBE naman ay ang hakbang kung saan tinutulungan ng mga kawani ng DepEd ang mga mag-aaral at kanilang mga magulang/legal Guardians upang matiyak na magiging maayos ang proseso ng enrollment period.

Sa pagsisimula ng bagong taon ng pag-aaral, inaasahan ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) na matutugunan ng buong bansa ang pag-usbong ng ‘Learning Poverty’ na naranasan higit na ngayong panahon ng pandemya.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 18,579 total reads

 18,579 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 19,281 total reads

 19,281 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 36,839 total reads

 36,839 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 74,217 total reads

 74,217 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 105,486 total reads

 105,485 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 180,422 total reads

 180,422 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 272,811 total reads

 272,811 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top