Pamahalaan, hinimok na magtatag ng food bank para sa mga biktima ng kalamidad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 515 total views

Iminungkahi ng Social Action Center ng Arkidiyosesis ng Tuguegarao sa pamahalaan ang paglikha ng food bank para maging imbakan ng mga natatanggap na relief goods tuwing panahon ng kalamidad.

Kaugnay ito sa libo-libong relief goods na napabayaan at nasayang para sa mga biktima ng Bagyong Ulysses nang manalasa sa Cagayan Valley region noong Nobyembre 2020.

Ayon kay Tuguegarao SAC Director Fr. Andy Semana, ito’y upang matutukang mabuti ang mga natatanggap na tulong at donasyon nang sa gayon ay wastong maipamahagi at mapakinabangan ng mga higit na nangangailangan.

“Magandang gumawa tayo ng center o food bank na takbuhan ng mga nangangailangan gaya nung Caritas Kindness Station na maraming natulungan lalo nitong nagdaang pandemya,” pahayag ni Fr. Semana sa panayam ng Radio Veritas.

Batay sa 2021 annual audit report ng Commission on Audit (COA) para sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), lumabas na mula huling bahagi ng 2020 hanggang unang bahagi ng 2021 ay nakatanggap ang Field Office 2 ng DSWD sa Tuguegarao ng kabuuang bilang na 126,172 in-kind donations para sa mga biktima ng Bagyong Ulysses.

Ngunit, napag-alaman din sa inspeksyon na halos 22-libo ng mga donasyon ang hindi pa naipapamahagi noong Disyembre 31, 2021; at ang karamihan ay nabubulok na, expired, o napinsala na ng mga daga.

Sinabi naman ni Fr. Semana na mas makabubuting ipamahagi na lamang ang mga relief goods kahit walang sakuna upang hindi na muling masayang at sa halip ay mapapakinabangan pa lalo ng mga mahihirap na pamilya.

“Siguro tamang pamamahala lamang ang kailangan upang mapakinabangan natin nang tama ang mga resources natin. Kahit hindi panahon ng kalamidad, ibigay na lang natin ito sa mga higit na nangangailangan.”

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot sa humigit-kumulang 1.3 milyong pamilya ang lubhang naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Ulysses.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 106,213 total views

 106,213 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 149,821 total views

 149,821 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 231,682 total views

 231,682 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 239,941 total views

 239,941 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top