YSLEP telethon, pinuri ng CEAP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 789 total reads

Nakiisa ang Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) sa pagdaraos ng Caritas Manila ng Youth Servant Leadership Education Program (YSLEP) telethon sa himpilan ng Radio Veritas.

Ayon kay Jose Allan Arellano – CEAP Executive Director, katangi-tangi ang inisyatibo ng Social Arm ng Archdiocese of Manila dahil binibigyan ng programa ng pagkakataon ang mga kabataan na makapag-aral sa kabila ng mga pagsubok sa ekonomiya na dulot ng pandemya.

“In cognizant of the world’s initiative in providing equitable and progressive opportunities for the youth, the continuing initiatives of Caritas Manila in giving scholarships to the youth through the project ‘Youth Servant Leadership Education Program’ (YSLEP) is a laudable action, it is an aspiration for young people to thrive scholastically even in challenging financial situations,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Arellano sa Radio Veritas.

Ayon kay Arellano, napakahalaga ng pagsuporta sa YSLEP para tulungan ang mahigit 5-libong kabataan taon-taon sa buong Pilipinas na makapag-aral at makapagtapos sa kolehiyo o technical vocational programs.

Napapanahon din ang pagpapaigting ng YSLEP dahil patuloy na bumibilis o nagbabago ang pangangailangang pang-edukasyon ng mga mag-aaral na dapat ay kanilang ginugugol sa pag-aaral.

Alinsunod ito sa global partnership ng mga pampubliko at pribadong sektor na tinatawag na ‘Generation Unlimited’ na ang layunin ay linangin ang kakayahan o abilidad ng mga kabataan at matiyak na mayorya sa populasyon ng kabataan sa 2030 ay mayroong trabaho.

“It is indeed a fruitful mission to see the potentials of all individuals equally, thus providing them assistance in whatever form it is- financial, social, or spiritual, with this, the 31 million Filipino youth will reap a desirable future and be integral to the country’s economic and social ecosystem, please accept our sincerest congratulations on your effort in organizing this fundraising program,” ayon pa sa mensahe ni Arellano.

Ang CEAP ay binubuo ng mahigit 1,600 mga katolikong paaralan at institusyon sa ibat-ibang bahagi ng Pilipinas.

Tema ng YSLEP Telethon para sa School Year 2022-2023 ay Youth Servant Leadership Towards National Building’ na layuning makaipon ng 20-milyong pisong donasyon na gagamiting pondo para sa pag-aaral ng mga YSLEP scholars.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 72,029 total reads

 72,029 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 107,263 total reads

 107,263 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 142,563 total reads

 142,563 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 368,832 total reads

 368,832 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 258,266 total reads

 258,266 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top