Pamahalaan, hinimok na magtatag ng food bank para sa mga biktima ng kalamidad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 645 total reads

Iminungkahi ng Social Action Center ng Arkidiyosesis ng Tuguegarao sa pamahalaan ang paglikha ng food bank para maging imbakan ng mga natatanggap na relief goods tuwing panahon ng kalamidad.

Kaugnay ito sa libo-libong relief goods na napabayaan at nasayang para sa mga biktima ng Bagyong Ulysses nang manalasa sa Cagayan Valley region noong Nobyembre 2020.

Ayon kay Tuguegarao SAC Director Fr. Andy Semana, ito’y upang matutukang mabuti ang mga natatanggap na tulong at donasyon nang sa gayon ay wastong maipamahagi at mapakinabangan ng mga higit na nangangailangan.

“Magandang gumawa tayo ng center o food bank na takbuhan ng mga nangangailangan gaya nung Caritas Kindness Station na maraming natulungan lalo nitong nagdaang pandemya,” pahayag ni Fr. Semana sa panayam ng Radio Veritas.

Batay sa 2021 annual audit report ng Commission on Audit (COA) para sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), lumabas na mula huling bahagi ng 2020 hanggang unang bahagi ng 2021 ay nakatanggap ang Field Office 2 ng DSWD sa Tuguegarao ng kabuuang bilang na 126,172 in-kind donations para sa mga biktima ng Bagyong Ulysses.

Ngunit, napag-alaman din sa inspeksyon na halos 22-libo ng mga donasyon ang hindi pa naipapamahagi noong Disyembre 31, 2021; at ang karamihan ay nabubulok na, expired, o napinsala na ng mga daga.

Sinabi naman ni Fr. Semana na mas makabubuting ipamahagi na lamang ang mga relief goods kahit walang sakuna upang hindi na muling masayang at sa halip ay mapapakinabangan pa lalo ng mga mahihirap na pamilya.

“Siguro tamang pamamahala lamang ang kailangan upang mapakinabangan natin nang tama ang mga resources natin. Kahit hindi panahon ng kalamidad, ibigay na lang natin ito sa mga higit na nangangailangan.”

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot sa humigit-kumulang 1.3 milyong pamilya ang lubhang naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Ulysses.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 70,470 total reads

 70,470 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 105,843 total reads

 105,843 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 141,143 total reads

 141,143 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 367,412 total reads

 367,412 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 256,888 total reads

 256,888 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 154,864 total reads

 154,864 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top